Character actor may something kaya sa kilalang female influencer?

Character actor may something kaya sa kilalang female influencer?

Reggee Bonoan - June 07, 2024 - 06:17 PM

Character actor may something kaya sa kilalang female influencer?

SERYOSO kaya ang kilalang character actor na nagho-host na rin sa panliligaw o pakikipag close niya sa kilalang female influencer?

Kaya naming ito nasulat ay dahil panay ang post ni character actor sa kanyang social media na super close sila ng female influencer.

Ang komento ng aming source, “alam mo naman di ba kung ano dahilan bakit may ganyang drama ang lolo mo? Para siyempre mawala sa isipan ng mga nakakakita sa closeness nila ng female TV host.”

Bigla naming naalala na nasulat na pala naming dito sa BANDERA sa pamamagitan ng blind item ang pinaghihinalaang relasyon nina female TV host at character actor dahil nga pansin na pansin ng mga nakakakita sa network ang closeness nila na pati sa paglalakad ay super alalay ang guy.

Baka Bet Mo: Male star na ex-BF ng aktres bumaho ang amoy ng katawan dahil sa bisyo

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Natanong nga namin kung ano ang papel ni actor bakit lagi siyang present sa show ng female TV host? Wala naman acting segment ang show.

“Basta close sila at kesyo nagkakatulungan sila sa show dahil maraming inputs si (character actor) kasi nga host din,” say ng aming source.

Kibit balikat lang kami kasi parang hindi naman kapatol-patol si character actor dahil knows namin ang type ng female TV host.

“’Yun ang akala mo, nagbabago ang panahon, remember? PInakasalan mo ngayon, bukas hiwalay na,” say ng aming source.

Tiningnan ulit namin ang mga post ng actor kasama ang female influencer at parang mas bagay sila kaysa sa TV host.

Saka may sabit si TV host, hindi ba ninenerbyos si character actor?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending