Ivana umaming inatake ng matinding takot nang humiga sa kabaong
INATAKE rin ng takot ang sexy actress at content creator na si Ivana Alawi nang kailangan niyang humiga sa loob ng kabaong para sa death scene niya sa “FPJ’s Batang Quiapo.”
Ito na raw yata ang pinaka-challenging na eksenang ginawa niya sa lahat ng teleseryeng ipinagkatiwala sa kanya ng ABS-CBN.
Kaya naman habangbuhay niyang ite-treasure ang karakter niya bilang Bubbles sa “Batang Quiapo” na in fairness, ay talagang nagmarka sa mga manonood.
Baka Bet Mo: Lalaki nag-amok sa lamayan; salamin ng kabaong binasag, bangkay sinuntok sa mukha
Sey ng sexy vlogger, hindi naging madali para sa kanya ang final scene ni Bubbles sa seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin kung saan kinailangan niyang humiga sa tunay na kabaong.
View this post on Instagram
“Ang hirap, katok ako nang katok. Tapos may glass, ang hirap huminga. Mabilis lang yung take, pero marami.
“Five minutes din (tumagal sa loob ng ataul). Ino-open naman nila everytime kumakatok ako,” pag-alala ni Ivana sa naturang eksena nang makapanayam ng media sa isang event sa Makati City, last Thursday.
Sa isa niyang Instagram post, ipinakita ng dalaga ang BTS (behind the scene) ng paghiga niya sa kabaong pero makikita siyang nakadilat at naka-peace sign.
Ngunit inamin niya na kahit nakangiti siya sa kanyang IG post, grabeng takot daw talaga ang naramdaman niya lalo pa’t madaling-araw pa ito kinunan.
Baka Bet Mo: Ivana Alawi happy sa bagong dyowa: Feeling ko pwede nang mag-asawa! Char!
“Kasi kung takot ka, takutin ko pa ba sarili ko? ‘Di happy, happy ako (kaya ako mag-peace sign).
View this post on Instagram
“Natakot talaga ako. Pinahiga ba naman ako 3 a.m.!? Dasal na lang ganu’n,” natatawang chika pa ni Ivana.
Samantala, may mga pagkakataon pa ring nalulungkot ang Kapamilya actress sa pamamaalam niya sa serye ni Coco lalo na kapag may mga nagtatanong sa kanya kung bakit pinatay na siya sa kuwento.
“Kahit saan ako pumunta, ‘bakit wala ka na?’ sinasabi sa akin. So, nalulungkot ako. Kasi naaalala ko na naman (yung pagre-resign sa (Batang Quiapo),” paliwanag ni Ivana.
“Everything has to come an end. If wala ako ibang work, kaya ko gawin 10 years or 20 years,” dagdag pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.