RR relate much kay Carlos: Feeling mo puro pera lang ang habol sa ‘yo

RR relate much kay Carlos: Feeling mo puro pera lang ang habol sa 'yo

RR Enriquez, Carlos Yulo at Chloe San Jose

HINDI na naman napigilan ng Sawsawera Queen na si RR Enriquez ang mag-react sa isyung kinasasangkutan ng mag-inang Carlos Yulo at Angelica Yulo.

Sey ng aktres at negosyante, relate much siya sa pinagdaraanan ngayon ni Carlos, na posibleng umabot sa P100 million ang incentives at reward na maaaring matanggap para sa dalawang gold medal na napanalunan sa 2024 Paris Olympics.

Sa kanyang Facebook status, nagbahagi si RR ng mahaba-habang pahayag tungkol sa alitan ni Carlos at ng kanyang nanay na si Angelica na nakatikim ng matinding pamba-bash mula sa netizens.

“As a Sawsawera Queen… bilang naging isang breadwinner din ako dati parang feeling ko malaki ang maiaambag ko sa issue na ito.

Baka Bet Mo: Nanay ni Carlos Yulo tinalakan ng netizens: Kapal ng mukha!

“Accurate yan madalas sa isang tumatayong breadwinner ng pamilya. Na experience ko din yan, yung hindi kayo magkaunawaan ng magulang mo coz akala nila, dahil naging bread winner ka naging mayabang ka na,” ang simulang pagbabahagi ni RR na nakilala sa pagsawsaw sa mga maiinit na isyu sa showbiz.


“But the truth is we just want to know lang kung saan napupunta yung mga binibigay mo na pera.

“Yung gusto mo maging specific sa pagtatanong where did they use the money etc. and sometimes may mga moment magkakainitan kayo kasi akala ng magulang mo pinag iisipan mo na niloloko ka nila.

“Nasasaktan din sila at may nasasabing hindi maganda. Then ikaw na patola, sasagot ka at mag aaway kayo,” lahad pa ng aktres.

Dagdag pang punto ni RR, “May mga moment na gusto mo talikuran na lang sila dahil feeling mo puro pera lang ang habol sayo.

“Pero kapag nahimasmasan ka, mas mananaig pa din yung alam mo na kaya ka nagsikap sa buhay ay para mabigyan sila ng maayos na buhay at maiparanas sa kanila yung sarap ng buhay na nararanasan mo din.

“I hope kapag humupa na ang tampo nila sa isat isa at sila ay magkapatawaran….. Sa dami ng perang nareceive ni Caloy ngayon, maiparanas nya pa din ulit yung katas ng pagiging gold medalist nya.

Baka Bet Mo: RR Enriquez sa ‘paglantad’ nina Paolo Contis at Yen Santos: Time is the ultimate truth teller

“Bilhan nya ng bahay, itravel nya out of the country. Ipag shopping nya ang pamilya nya. Kasi napakasarap talaga sa pakiramdam ng makapag share ng blessings sa pamilya mo,” ang suggestion pa ni RR kay Carlos.

Pagpapatuloy pa niya, “Basta ako masaya akong nakatulong at naibigay sa kanila dati yung mga bagay na hindi ko inaakalang maibibigay sa kanila.


“And even until now basta may extra ako gusto ko iparamdam sa kanila yung maambunan sila ng grasya. Feeling ko ganun din ang gagawin ni Caloy coz mukha mabuti ang puso nya.

“Para naman du’n sa rival ng Mom and gf. Yes it’s so easy to judge someone based on their appearance or sa mga sinusoot nila.

“I salute this guy for setting boundaries sa relationship nya and sa parents nya. Minsan talaga hindi maiiwasan ang Momster in law. If they don’t like each other it’s ok.

“But hindi naman porket ayaw sayo ng magulang ng jowa mo ay hindi ka na mag i effort to win her heart.

“Mas gusto ko pa din na ang partner ko ay irirespeto ang magulang ko kahit hindi nila gusto ang isat isa,” ang kabuuang FB post ni RR Enriquez.

In fairness, may punto naman ang pinagsasabi ni RR.

Read more...