SB19 Justin type karirin ang pag-arte matapos umeksena sa ‘Senior High’

SB19 Justin type karirin ang pag-arte matapos umeksena sa 'Senior High'

SB19 Justin

DREAM pala talaga ni SB19 Justin de Dios na maging aktor kaya hindi imposibleng magkaroon din siya ng teleserye at pelikula in the future.

In fact, nag-enjoy nang bonggang-bongga ang singer-songwriter sa naging guest appearance niya sa Kapamilya series na “Senior High” na pinagbidahan ni Andrea Brillantes.

“It was just a cameo. I didn’t expect that it would go viral all over social media. I was very overwhelmed and thankful. I hope I will have more projects,” sabi ni Justin sa isang panayam.

Baka Bet Mo: SB19 Justin nagpakilig sa version ng ‘Sunday Morning’ ng Maroon 5

Sabi ni SB19 Justin, bukod sa pagkanta at pagsasayaw, matagal na rin niyang pangarap ang maging artista at makapag-portray ng iba’t ibang role.


“To be honest, ako, siyempre, although I’m a performer, singer din po, ‘yung pinaka-dream ko rin talaga, other than the group, sa solo career ko po, ‘yung dream ko is more of nasa visual arts or acting,” ang kuwento naman ng binata sa panayam sa kanya ng online podcast na “Surprise Guest with Pia Arcangel.”

Habang naghihintay ng opportunity at offer ng acting projects, ginagamit ni Justin ang kanyang acting and directing skills para sa mga proyekto ng SB19.

Actually, marami na raw siyang naidirek na music video ng kanilang grupo kabilang na ang kanilang kanta na “Moonlight.”

“Because of music, nagagawa ko ‘yung acting, nagagawa ko ‘yung visual arts which helps po,” pahayag ng binata.

Dugtong ni Justin, “If makikipag-collab po ako sa mga artist, parang gusto ko na collaborate as a visual artist, magdirek ng music video nila, gumawa ng concept for them.”

Baka Bet  Mo: SB19 Justin manggugulat sa ‘Senior High’, kalaban ba o kakampi?

Kamakailan ay ni-release na rin ni SB19 Justin ang kanyang bagong solo track na “Kaibigan”. Siya ang nagsulat nito at  siya rin ang bumida at naging creative director ng music video ng naturang kanta.


Sa isang hiwalay na panayam, inamin ni Justin na may pagkakataon na nawawalan din siya ng kumpiyansa sa kanyang kakayahan bilang solo artist, “I had struggles before to officially debut as a (solo) artist, thinking that the spotlight would be on me. All eyes were on me so I was afraid of committing mistakes.

“Sometimes, I think that I couldn’t do it, like, ‘Ah, wag na lang kasi parang not for me.’ But to overcome those thoughts, inisip ko na lang na I have to go through it.

“If the outcome is not good, at least I’ve tried and inaaral ko siya. So that next time, may improvement akong makukuha,” paliwanag ni Justin.

Read more...