UMARAY ang German-Filipino actress na si Helga Krapf sa umano’y panggagamit ng ilang brand at kumpanya sa Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.
Tinawag niyang mga opportunista ang mga ito, lalo na yung mga naglalabas ng mga promo at marketing material sa social media patungkol sa kontrobersyang namamagitan kay Carlos at sa kanyang inang si Angelica Yulo.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram story nitong nagdaang August 7, 2024, tinawagan niya ng pansin ang mga brands na aniya’y mga insensitive sa pinagdaraanan ni Carlos.
Baka Bet Mo: Anak ni Ka Tunying na si Zoey Taberna cancer-free na: I thought it was the end for me, that my life would end at 13…
In fairness naman kasi, mula nang bumandera ang pagiging champion ni Carlos sa 2024 Paris Olympics na mag-uuwi sa bansa ng dalawang gold medal sa artistic gymnastics, wala nang tigil ang paglabas ng iba’t ibang content at infographics congratulating him.
Pero sabi ni Helga, may mga company daw na tila nagte-take advantage na sa mga personal issue ni Carlos sa kanyang pamilya, partikular na sa kanyang ina for the sake of views and engagements.
“I find it absolutely distasteful of brands to use someone’s family issues and probably a lifetime of unhealed childhood trauma as their marketing strategy,” ang nakasaad sa IG story ni Helga na unang nakilala sa “Star Circle Quest Season 1.”
“I mean sure you gotta be smart and piggyback on the latest news, but I’d still have some ‘delikadesa’ while doing so,” dagdag pa ng aktres.
Pagpapatuloy pa niya, “This is what’s wrong with today’s (social) media culture.”
Baka Bet Mo: Hugot ng tatay ni Carlos Yulo: Magulo pala ‘pag marami kang pera
“Ethics and empathy are thrown out the window in exchange of a few days of clout,” sabi ni Helga.
Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan sa social media ang alitan sa pagitan ni Carlos at ng nanay niyang si Angelica.
Paglilinaw ni Carlos sa usaping pera na umano’y winaldas ng ina, “Never ko na po na-receive yung incentives ko po na yun, at never ko na rin naman po na hiningi yun sa kanila.
“Binigay ko na at wala na po yun sa akin. Ang sa akin lang naman, gusto ko malaman kung saan napunta yung incentives ko po na yan.
“Yung principle po kasi dito, wala po sa liit o laki ng amount po na incentives po na ginalaw niya, kundi po sa pagtago at paggalaw niya nang wala ko pong consent, yung pina-point ko po sa kanya,” sabi ni Carlos.
Kasunod nito, nagpa-presscon naman si Angelica at nag-sorry sa anak, “Ako ay isang ina na nasaktan dahil ang mabait na anak na pinalaki ko ng maayos at mabuting tao ay hindi na nakikinig sa mga paggabay ng magulang.
“Kung mali na naging mapagpuna ako sa nobya mo, humihingi ako ng patawad, dahil nanay lang ako na nag-aalala.
“Matanda ka na, kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo. Bukas ang aming pintuan sa tahanan, may pera o wala, kung nanaisin mong bumalik sa amin.
“Hindi na pwedeng bawiin ang nasabi na. Ang amin lang, handa ako at ang papa mo mag-usap tayo ng bukas ang loob, na may pag-unawa anumang oras na handa ka, pag uwi mo upang maayos ito.
“Hindi kailangan ng ibang tao na malaman ang mga alitan dahil hindi nila alam ang buong kwento at hindi nila ito lubos na nauunawaan.
“Gayunpamamn, humihingi ako ng patawad sa iyo at sa sambayanan sa mga nasabi ko sa interbyu.
“Patawad, anak…kung hindi man tayo magkaayos, sana sa pagdating ng panahon, maunawaan ang laging aking panig, intensyon, at hindi ang ingay.
“Ang pamilya iisa lang yan, at laging anjan lang para sa isa’t isa, sa kabila ng aumang pagsubok o alitan. Itoy pilit nating unawain hanggang wala na tayo maisip kundi ang mag ayos…siguro.
“At sa sambayanan, sana ay ipagdiwang na lang natin ang tagumpay ng anak ko. Gumagawa ang anak ko ng kasaysayan para sa ating bansa. Lahat tayo ay magpapasalamat kay Caloy para sa karangalan, iuuwi para sa baya,” aniya pa.