Adele engaged na sa sports agent na si Rich Paul: ‘I’m getting married!’

Adele engaged na sa sports agent na si Rich Paul: ‘I’m getting married!’

IT’S confirmed! Engaged na ang sikat na English singer-songwriter na si Adele.

At ang lalaking mapapakasalan niya ay ang American sports agent na si Rich Paul.

Ang good news ay kinumpirma mismo ng veteran singer habang nagko-concert siya sa Munich, Germany noong Biyernes, August 9.

Kumalat sa social media ang isang video na kung saan nasa stage si Adele at biglang ipinakita ang suot na diamond ring at sinabi sa isang fan: “I can’t marry you; I’m already getting married.” 

Baka Bet Mo: SB19 Stell ninerbiyos sa David Foster concert, na-pressure kay Celine

Noong nakaraang buwan lamang nang sumiklab ang chikang engaged na si Adele matapos makita ng eagle-eyed netizens ang suot niyang pear-shaped diamond ring habang kasama si Paul sa London.

Kung maaalala, taong 2021 ang unang public appearance ng couple matapos manood ng NBA finals ng Milwaukee Bucks at Phoenix Suns.

Hindi naman nagtagal nang ibinalita ng People Magazine na ayon sa kanilang source ay ilang buwan nang “dating” ang dalawa mula nang makita sila together in public.

Kasunod niyan ay nag-open up si Adele kay Oprah Winfrey patungkol sa relasyon niya kay Paul.

“He’s just hilarious. Oh, he’s so funny; he’s hilarious, yeah. And very smart. You know, he’s very, very smart. It’s quite incredible watching him do what he does,” sey niya sa dating interview.

Taong 2022 naman nang inamin ng singer na inlove na inlove siya kay Paul at plano na raw niyang bumuo ng pamilya.

“I’ve never been in love like this. I’m obsessed with him,” sey niya sa Elle Magazine.

Aniya pa, “I definitely want more kids. I’m a homemaker and I’m a matriarch, and a stable life helps me with my music.”

Si Adele ay may 11-year-old son sa dating mister na si Simon Konecki, habang si Paul ay mayroon nang tatlong anak.

Read more...