TV5 iniimbestigahan ang contractor na sangkot umano sa ‘harassment’

TV5 iniimbestigahan ang contractor na sangkot umano sa ‘harassment’

PHOTO: Screengrab from YouTube

Trigger warning: mentions of sexual harassment

SA gitna ng isyung sexual abuse sa GMA, may lumutang na parehong insidente sa TV5 naman.

Kamakailan lang, naglabas ng official statement ang Kapatid Network kaugnay sa isang empleyado na nagreklamo laban sa isang independent contractor na sangkot umano sa sexual harassment.

Ayon sa pahayag, aware sila sa insidente at ito ay kasalukuyan na nilang iniimbestigahan.

“TV5 management is aware of the matter regarding an alleged incident between a TV5 employee and an independent contractor,” sey ng TV 5 na ibinandera sa Facebook noong Biyernes, August 9.

Baka Bet Mo: PBB: Ang harassment ay isang bagay na hindi palalagpasin ni Kuya kailanman

Dagdag pa, “We have released the necessary Notice to Explain and are conducting an investigation to determine the facts so we may take the appropriate action. We have reached out to the persons concerned and are gathering information. Rest assured that the rights and welfare of all parties will be protected.”

Pagtitiyak pa, “TV5 remains committed to fostering a safe working environment.”

Nanawagan din sila na huwag munang manghusga habang nakabinbin ang pagsisiyasat nila sa isyu.

Ang pahayag ay matapos magsumbong ang isang program researcher sa programang “Raffy Tulfo in Action” tungkol sa naranasan niyang sexual harassment umano mula sa isang program manager ng kaparehong network.

Ayon sa nagreklamo, siya ay hinalay sa isang hotel sa Pasig noong July 23, bandang 1:30 a.m.

Read more...