Julia proud kay Gerald, nag-alala nang mag-rescue noong Carina

Julia proud kay Gerald, nag-alala nang mag-rescue noong Bagyong Carina

Therese Arceo - August 08, 2024 - 07:38 PM

Julia proud kay Gerald, nag-alala nang mag-rescue noong Bagyong Carina

SUPER proud girlfriend ang aktres na si Julia Barretto sa pagiging matulungin ng kanyang dyowang si Gerald Anderson.

Matatandaang noong nakaraang buwan nang manalanta ang bagyong Carina sa bansa lalo na sa Metro Manila pati sa kalapit lugar nito kabilang ang Oriental Mindoro, Batangas, Cavite, Bataan at Bulacan.

At dahil nga walang tigil ang pag-ulan ay nagdulot ito ng baha sa mga apektadong lugar na umabot na sa lagpas tao ang taas.

Baka Bet Mo: Hirit ni Joshua Garcia kay Julia Barretto: Kinuha mo virginity ko!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Isa nga si Gerald sa mga artista na nagpaabot ng tulong sa mga na-stranded sa baha sa pamamagitan ng pagre-rescue.

Amin ni Julia, super duper proud siya sa nobyo dahil sa ginagawa nitong kabutihan.

Ngunit sa kabila nito ay aminado siyang nakaramdam siya ng pag-aalala noong mga panahong nagre-rescue ito sa kalagitnaan ng baha.

“It’s a proud moment, of course, but I was really worried. But by nature, that’s who he is,” pagbabahagi ni Julia.

Dagdag pa niya, “I just hope he will be safe doing that for others. It’s a proud moment, but ang hirap grabe ‘yung worries ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chika pa ni Julia, ang eagerness ng kanyang nobyo na suungin ang baha para matulungan ang mga na-stranded na pamilya sa baha upang makalikas ay nagpapakita ng pagiging mabuti ng aktor.

“Whatever you see, that’s the heart he has,” sey ng aktres.

Matatandaang nag-viral ang dyowa ni Julia nang kumalat ang video nito kung saan nire-rescue nito ang batang na-stranded sa baha sa Barangay Sto. Domingo, Quezon City.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending