Richard, Annabelle ‘present’ sa birthday party ni Barbie Imperial

Richard, Annabelle ‘present’ sa birthday party ni Barbie Imperial

PHOTO: Instagram Stories/@vina_morales

HULI sa camera ang pagdalo ng mag-ina na sina Richard Gutierrez at Anabelle Rama sa 26th birthday party ng aktres na si Barbie Imperial.

Ito ay matapos ibandera ng batikang singer na si Vina Morales ang ilang mga kaganapan sa selebrasyon na uploaded sa Instagram Stories niya.

Sa isang video, makikitang nakatayo sa stage si Barbie para mag-speech, habang si Richard naman ay makikitang nakaupo sa bandang harapan ni Vina.

Bukod diyan, makikita rin ang isang group photo na kasama ng singer ang aktor na lahat sila ay naka-puting damit.

Baka Bet Mo: Barbie Imperial pumalag sa fake news, hindi buntis kay Richard

PHOTO: Instagram Stories/@vina_morales

May IG Story rin na nahagip sa video na tila magkatabi sa upuan sina Barbie at Richard habang nagpe-perfrom sa entablado ang batikang singer na si Joey G at kinakanta ang “Don’t Know What to Say (Don’t Know What to Do).”

PHOTO: Instagram Stories/@vina_morales

May post din si Vina na iniharap niya ang camera kay Annabelle at nang tinawag niya ito ay agad namang ngumiti.

PHOTO: Instagram Stories/@vina_morales

Kung matatandaan, unang nakitang magkasama sina Barbie at Richard sa isang gastropub sa Alabang, Muntinlupa City noong January 6.

Kasunod niyan ay pinagpiyestahan sa social media ang ilang litrato ng dalawa na namamasyal sa Myeongdong na isang kilalang shopping destination sa South Korea.

At recently lamang ay nag-viral ang picture ni Barbie na present sa burol ng yumaong sister-in-law ni Richard na si Alexa Gutierrez na namatay dahil sa leukemia.

Noong Mayo, kinumpirma ng showbiz insider na si Ogie Diaz na “exclusively dating” ang dalawa, base sa kanyang mapagkakatiwalaang source.

“So, ang tanong ko sa aming source, aamin na kaya sina Richard at Barbie na sila na? Sabi ng aming source, ‘in due time.’ ’Yan ang aabangan natin, ha!” sey ng talent manager and vlogger.

Kung matatandaan, ang dating misis ni Richard na si Sarah Lahbati ang nagkumpirma na hiwalay na sila ng dating mister matapos aminin sa entertainment reporter na si MJ Felipe na siya ay kasalukuyang “single.”

Nang tanungin naman siya tungkol sa pagkaka-link ni Richard kay Barbie sa isang presscon, ang sagot lamang niya ay “no reaction.”

Read more...