Annabelle Rama mas boto kay Barbie, kalaban si Chucky

Annabelle mas boto kay Barbie, kalaban si Chucky: Alam n’yo na kung sino yun!

Ervin Santiago - June 06, 2024 - 12:19 PM

Annabelle mas boto kay Barbie, kalaban si Chucky: Alam n'yo na kung sino yun!

KANYA-KANYANG hula ang mga netizens kung sinu-sino ang pinatutungkulan ni Annabelle Rama sa bagong pasabog niya sa social media.

Nag-post kasi ang talent manager at nanay nina Ruffa, Richard at Raymond Gutierrez sa kanyang Facebook account kahapon, June 5, kung saan nabanggit niya ang mga pangalang “Chucky” at “Annabelle Doll.”

Sa mga hindi pa masyadong aware, ang  Chucky na tinutukoy ni Tita Annabelle ay ang manyikang nabubuhay at pumapatay sa classic horror movie na “Child’s Play” na unang napanood sa sinehan noong 1988.

Ang Annabelle naman na sinasabi ng talent manager ay ang possessed doll sa “Annabelle” film series na isa ring manyikang killer.

Mababasa sa Facebook page ni Tita Annabelle, “Hoy!! Yung walang magawa sa buhay tumahimik na kayo.

Baka Bet Mo: Barbie, Richard aaminin ang real score ‘in due time’, ayon sa source ni Ogie

“Kasi si Annabelle Doll hindi lalaban kay Barbie Doll maganda, maputi at makinis.

“Ang gusto makalaban ni Annabelle Doll si Chucky. Alam nyo na kung sino yun HAHAHA happy kana!?”

So, sino nga ba ang tinutukoy ng nanay nina Richard sa kanyang FB post? Marami ang nagsabing ang estranged wife ng kanyang anak na si Sarah Lahbati ang tinawag niyang “Chucky.”

May nanghula namang si Barbie Imperial ang tinutukoy niyang “Barbie Doll” na “maganda, maputi, at makinis.” Ibig sabihin, mukhang botong-boto raw si Annabelle kay Barbie na sinasabing bagong dyowa ngayon ni Richard.

Narito ang ilang reaksyong nabasa namin sa FB status ni Tita Annabelle.

“Si Sarah ba yan yung munting prinsesa?”

“Uyyy bet nya si Barbie.”

“Boto kay Barbie Doll.”

“Tama lang talaga decision ni Sarah kung may biyenan siyang kagaya mo. HAHAHAHAHAHA.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi kasi hindi siya prinsesa. Pakawala siya.”

“How can she post something like this?? PAKAWALA DAW YUNG DAUGHTER IN LAW NYA??? Nanay ng mga apo mo sasabhn mo ng ganyan?? IBANG KLASE!!! Sarah Lahbati Gutierrez you deserve all the RESPECT!!! unfollow nalang agad ung ganitong tao. GODBLESS.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending