Barbie, Richard aaminin ang real score 'in due time'

Barbie, Richard aaminin ang real score ‘in due time’, ayon sa source ni Ogie

Reggee Bonoan - May 31, 2024 - 03:40 PM

Confirmed! Barbie, Richard 'exclusively dating' na, ayon sa source ni Ogie

Barbie Imperial, Richard Gutierrez

“KUMPIRMADO! Exclusively dating na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial, ayon sa aming very reliable source,” ito ang bungad ng content creator at talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel na ibinandera kagabi, May 31.

Sabi sa “Showbiz Update” vlog nina Ogie kasama sina Ate Mrena at Mama Loi, aamin na raw ang dalawa in due time.

“Walang overlapping na naganap at hiwalay na umano sina Richard at (asawang) Sarah Lahbati bago pa pumasok sa eksena si Barbie,” sey ni Ogie.

Patuloy niya, “Last year pa umano hiwalay ang mag-asawa na parehong single at co-parenting na lang sila sa kanilang dalawang anak.”

Chika pa ng showbiz insider, “Matatandaang isang netizen din ang nagpasa sa atin ng retrato na si Sarah at ang ka-date nito na kumakain sa isang resto sa Hongkong (April 2024) pero itinanggi ni Sarah na ito ay nanliligaw sa kanya.

Baka Bet Mo: Barbie Imperial ibinandera ang gym bonding nila ni Richard Gutierrez?

“Si Barbie raw ay itong taon lang nakapalagayan ng loob ni Richard. Naawa rin ang aming source kay Barbie dahil ang ibang netizens ay si Barbie ang dinidikdik ng siyang dahilan ng hiwalayan at isang homewrecker.

“Ani (sabi) pa ng source namin, ‘Barbie had nothing to do with the hiwalayan issue. Idinagdag pa nito na lahat ng naging girlfriends ni Richard ay kaibigan pa rin ni Richard hanggang ngayon tulad nina Anne Curtis at Georgina Wilson.”

Giit pa ni Ogie, “Ito’y sinabi ng aming source bilang patotoo na hindi nanakit ng babae si Richard tulad ng ibinibintang sa aktor.

“Sabi pa ng kausap ko, ‘Ogie, si Richard kapag may mahal, hindi na nagmamahal ng iba alam ‘yan ng mga ex-girlfriend niya.  Kaya ‘yung time nila ni Sarah may nabalitaan ka bang may number 2 si Richard? Wala! Hindi porke hindi nagsasalita si Richard ay siya ang may kasalanan sa hiwalayan. Hindi siya nagsasalita anything against Sarah kasi hindi naman ang tipo ni Richard ang makikipag-away sa babae lalo na sa mga nanay ng mga anak niya.’”

Dagdag ni Ogie sa vlog, “So, ang tanong ko sa aming source, aamin na kaya sina Richard at Barbie na sila na? Sabi ng aming source, ‘in due time.’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“’Yan ang aabangan natin, ha!” wakas ng talent manager and vlogger.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending