Gerald Santos nakisimpatya kay Sandro: I hope he gets the justice
HINDI napigilan ng Kapuso singer-actor na si Gerald Santos na maglabas ng daloobin patungkol sa naranasan niyang pang-aabuso sa mundo ng showbiz.
Ito ay kasunod ng paglabas ng balitang nakaranas ng pananantala ang baguhang aktor na si Sandro Muhlach mula sa dalawang independent contractors ng GMA Network na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi ni Gerald na hindi niya maiwasang maluha habang ini-imagine ang na-experience ng binata noong mga panahong nangyayari ang pang-aabuso.
“Ang dami nagmemessage, nagta-tag sa akin about this issue. Nagbalik ang sakit sa akin at hindi ko maiwasan maluha to imagine ang sinapit nya,” pagbabahagi ni singer-actor.
Baka Bet Mo: Gerald Santos may dyowang military officer sa US, kinakarir ang LDR
View this post on Instagram
Nais namang ipaalam ni Gerald kay Sandro na nakikisimpatya siya sa sinapit ng binata pati na rin sa pamilya nito dahil minsan rin siyang napunta sa ganoong sitwasyon.
“My heart goes to Sandro and the whole Muhlach Family. I was once in this situation but back then wala kang boses, walang social media. Unlike ngayon na nagkaroon na ng #MeToo movement,” dagdag pa niya.
Hangad naman ni Gerald na sana ay makuha ni Sandro ang hustisya na ipinagkait sa kanya noong ipinaglalaban niya na magkaroon ng katarungan ang pang-aabusong natamo.
“But i will hold my head up high for standing up amidst tremendous pressure to just let go of what happened. I hope he gets the justice i was once denied of,” sey ng singer.
Matatandaang kahapon, August 1, natanggap na ng GMA Network ang formal complaint laban kina Jojo at Richard at nangako naman ito na magkakaroon ng patas na imbestigasyon tungkol sa pangyayari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.