Heart nag-donate ng P1.5-M sa SSFI; katas ng pagbebenta ng bag

Heart nag-donate ng P1.5-M sa SSFI; katas ng pagbebenta ng bag

Ervin Santiago - July 31, 2024 - 12:25 PM

Heart nag-donate ng P1.5-M sa SSFI; katas ng pagbebenta ng bag

Heart Evangelista

ISA’T kalahating milyong piso agad ang ibinigay ng Kapuso actress na si Heart Evangelista bilang donasyon sa Senate Spouses Foundation, Inc. (SSFI).

Si Heart ang pangulo ngayon ng samahan ng mga misis ng senador sa Pilipinas matapos hiranging Senate President ang mister niyang si Sen. Chiz Escudero.

Ang nasabing donasyon ay mula sa sariling bulsa ng aktres at international fashion icon bilang paunang tulong sa mga proyekto at adbokasiyang ipinaglalaban ng SSFI.

Baka Bet Mo: Gerald Anderson nagpaabot ng donasyon sa mga biktima ng bagyong Odette

Sa isang Facebook post na ibinahagi ng Senado, nabanggit na ang bahagi ng perang ibinigay ni Heart ay mula sa kinita niya sa pagbebenta ng hand-painted, vintage luxury bag mula sa kanyang personal collection.

“As President of the Senate Spouses Foundation Inc., I consider it extremely important to personally contribute to the cause of the foundation.

“The mantle of leadership, as I have been taught, begins by having skin in the game and one must always have something to give,” ang bahagi ng mensahe ni Heart nang i-turnover sa SSFI ang kanyang cash donation.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Tinanggap ni SSFI vice president Special Envoy to the United Arab Emirates for Trade and Investment Kathryna Yu-Pimentel at Nancy Dela Rosa ang donasyon ng Kapuso star sa ginanap na turnover ceremony sa Senado.

Baka Bet Mo: Heart super proud sa pagiging Senate Pres ni Chiz, agaw-eksena ang OOTD

Kasabay nito, todo pasalamat din si Heart pat na ang mga kasamahan niya sa SSFI, sa lahat ng indibiwal at ilang private companies na sumuporta sa mga naunang proyekto ng kanilang foundation, kabilang na ang isinagawa nilang relief operations para sa mga biktima ng bagyong Carina at ng Habagat.

“To all of our dedicated sponsors whose generous contributions have not only jumpstarted our initial operations, but also will keep us moving forward, you have made our foundation’s work not only possible but also sustainable and truly impactful,” mensahe ni Heart.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong June 5, 2024 ay nanumpa si Heart bilang pangulo ng SSFI, ilang araw pagkatapos manumpa bilang Senate President si Sen. Chiz Escudero noong May 20.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending