Mababang grades | Bandera

Mababang grades

Joseph Greenfield - November 09, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Teresa, ng San Francisco, Surigao del Norte
Dear Sir Greenfield,
Mababa ang grades ko sa kursong Tourism at nababahala na ako.  Dahil dito, wala na akong siglang mag-aral.  Napuna ko na pahirap nang pahirap ang mga eksamen at halos wala na akong naisasagot.  Gusto ko nang mag-shift ng kurso.  Naglalaro rin sa isip ko na kapag ganito ang grades ko ay dapat huminto na ako sa pag-aaral at maghanap na lang ng kahit anong trabaho.  Payuhan ninyo ako kung tama ang mga balak ko.  Kung lilipat ako ng kurso, anong kurso naman?  Dito sa Mindanao ay mahirap makatagpo ng maganda at permanenteng trabaho ang undergraduate.  Susuwertehin kaya ako sa abroad?  Ang birthday ko ay Mayo 21, 1994.
Umaasa,
Teresa, ng San Francisco, Surigao del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Maganda at straight na straight naman ang Fate Line na tinatawag ding Career Line (Illustration 1-1 arrow 1., 2-2 arrow 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin,  anumang krisis o mga pagsubok ang dumating sa iyong buhay sa larangang career at edukasyon, siguradong malulusutan mong lahat iyan, basta magkapatatag ka lang, siguardo ang magaganap – sa bandang huli, maluwalhating makakatapos ka rin ng pag-aaral!
Cartomancy:
Six of Hearts, Queen of Clubs at Jack of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng lalaking magiging boyfriend mo, magkakaroon ka ng inspirasyong mag-aral na mabuti. Magiging positibo naman ang resulta, dahil bukod sa love life na masaya, tulad ng nasabi na makakatapos ka ng pag-aaral at pagkatapos habambuhay na uunlad ang career mo at magiging maligaya.
Itutuloy….

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending