Sanya umiyak dahil sa 2 manager: Kapag nagpaapekto ka, talo ka!

Sanya napaiyak dahil sa 2 manager: Kapag nagpaapekto ka, talo ka!

Ervin Santiago - July 31, 2024 - 09:00 AM

Sanya napaiyak dahil sa 2 manager: Kapag nagpaapekto ka, talo ka!

Sanya Lopez

HINDI napigilan ni Sanya Lopez ang mapaiyak nang pasalamatan ang kanyang mga manager na itinuturing na niyang parang tunay na magulang.

Mula noon hanggang ngayon daw ay napakasolid at napakasaya pa rin ng pagsasama nila ng dalawa niyang manager na sina Frank Millari at Alvin Fortuno.

Napakarami nang hinarap na pagsubok ng Kapuso actress sa kanyang personal life at showbiz career at nakasama raw niya ang kanyang mga manager sa pakikipaglaban sa buhay.

Baka Bet Mo: Sanya Lopez ayaw pang magka-lovelife: ‘Ang hirap na hindi mo mabigyan ng oras’

Tumatanaw din siya ng napakalaking utang na loob sa mga ito na naging tagapagtanggol niya sa pang-aapi
at panghuhusga sa kanya lalo na noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

“Kaya importante sa akin ang support system ko e. ‘Yung mga managers ko na nandiyan palagi sa akin.

“Ang sabi nila sa akin huwag kang magpaapekto, kapag nagpaapekto ka, talo ka. Tama ‘yun. So gawin mo siyang instrumento para mas galingan pa ng sarili mo,” ang pahayag ni Sanya sa panayam ng GMA.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)


Tuluy-tuloy ang pagluha ni Sanya nang balikan ang pagtulong at pagsuporta sa kanya ng mga manager na naging mga magulang na rin niya mula pagkabata.

Baka Bet Mo: Sanya, Jak naranasan ding lumafang ng tuyo at talbos ng kamote, nangungutang din para makakain

“Sila ‘yung tumayong ama talaga sa akin. No’ng mga panahon na gusto kong bumitaw talaga, sila ‘yung nandiyan para i-push ka kahit walang-wala kami noong panahon na ‘yun sila ‘yung nandiyan to help me.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Thank you for guiding me, for protecting me, kahit na ano mang mangyari sa akin, hinding-hindi ko sila iiwan, kahit na anong sabihin ng ibang tao sa kanila, kasi ganu’n ko sila kamahal,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending