Jillian napaiyak sa yumaong lola: Binabantayan pa rin niya kami

Jillian napaiyak dahil sa yumaong lola: Binabantayan pa rin niya kami

Ervin Santiago - July 24, 2024 - 06:45 AM

Jillian napaiyak nang alalahanin ang lola: Ang sad ng naging death niya

Jillian Ward

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng Kapuso young actress na si Jillian Ward sa kanyang nanay at lola na itinuturing niyang mga “superhero” sa tunay na buhay.

Ang lahat daw ng mga life lesson na baon-baon niya ngayon sa kanyang journey bilang anak ay natutunan niya sa mga ito, lalo na ang pagbibigay ng unconditional love para sa pamilya.

Hanggang ngayon daw ay buhay na buhay pa rin sa kanyang puso’t isipan ang magaganda at masasayang alaala ng yumao niyang lola.

Baka Bet Mo: Jillian Ward ayaw pang magpaligaw at magkadyowa; pangarap maka-collab sa susunod na project si Vice Ganda

“I know na ipinagpe-pray niya po ako always. Even my late grandmother.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)


“Alam ko na bata pa lang ako, nasa tiyan pa lang ako, ipinagpe-pray na nila ako so sobra-sobrang laking influence sa akin ng mother ko and my grandmother,” pahayag ni Jillian sa panayam ng King of Talk na si Boy Abunda para sa programang “My Mother, My Story” ng GMA 7.

Pagpapatuloy ng “Abot-Kamay na Pangarap” lead star, “Yung grandmother ko po, namatay siya nung 2021 and sobrang close po rin namin. Siya rin po yung sobrang nag-e-encourage sa akin mula bata pa ako.

“Actually, ako lang yung apo na pinangalanan niya po. Siya ang nagbigay ng name ko,” kuwento pa ni Jillian.

Baka Bet Mo: Jillian Ward pinuri ni Direk Rico Gutierrez, alagang-alaga sa taping: ‘Ang feeling ko po baby pa rin nila ako’

Dugtong pa ng dalaga, “Yung grandmother ko po, alam niya na dream ng mama ko na maging doktor. So, yung role ko po sa Abot-Kamay na Pangarap, naging doktor po ako.

“Sa show kasi, parang may pasyente kunwari tapos sasabihin ko, ‘Itong pasyente, galing sa ospital.’ Yung ospital po, yun ang ospital kung saan nag-pass away yung grandmother ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)


“Ang dami ko pong hindi nasabi sa kanya kasi ang sudden po ng naging death niya,” pagbabahagi pa ni Jillian na hindi na napigilan ang mapaiyak nang alalahanin ang pumanaw na lola.

Dugtong pa niya, “I want to tell her na I love her so much. Actually, yung Abot-Kamay na Pangarap, dedicated ko sa kanya. I am just so grateful na siya po yung naging lola ko.

“Two years old pa lang po ako, siya na talaga yung naniniwala sa akin. Like, wala pa akong muwang, parang may feeling na sila na ito yung purpose ko sa life ko.

“Yung lola ko, ever since, sobrang proud siya para sa akin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“But I know she’s still watching over us and gusto kong sabihin sa kanya na ako yung magbabantay kay Mama, and I love her so so much,” lahad pa ni Jillian Ward na itinuturing na ngayong isa sa prized possession ng GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending