Direktor, producer imbiyerna sa epal at sumbungerang aktres

Direktor, producer imbiyerna sa epal at sumbungerang aktres

Reggee Bonoan - July 30, 2024 - 05:34 PM

Direktor, producer imbiyerna sa epal at sumbungerang aktres

Guess, guess who! Ma-gets n’yo kaya kung sino siya?

NAIRITA raw ang direktor ng isang daily show sa kilalang aktres dahil sumbungera ito sa management.

Sa tuwing may reklamo raw ang aktres ay hindi ito nagsasabi sa producer o sa direktor dahil tumatawag kaagad sa management.

At magugulat na lang ang direktor at producer na tinatawagan na sila ng kanilang boss dahil nga sa sumbong ng aktres.

Baka Bet Mo: Direktor awang-awa kay sikat na male celeb dahil binu-bully noon ng insecure na aktor

Ito ang tsika ng tatlong source na nagkataong iisa ang kuwento na pati sila ay naloloka sa mga kadramahan ng bida sa ating blind item.

“Di ba Regs, kapag may problema kayo sa show, kayo-kayo ang magresolba nito, meaning the actors, producer and director isama pa ibang staff para maayos ang isyu?

“E, si ____ (aktres) walang ganu’n, kapag may hindi siya gusto, tatawag na siya kay ____ (isa sa bosses ng network) at magsasabi ng lahat ng ayaw niya, feeling aping-api siya,” sabi ng source number 1.

Baka Bet Mo: Angelica magiging nanay na raw, buntis na sa panganay nila ng non-showbiz dyowa?

Dagdag naman ni source number 2, “Kaya si ____ (direktor) nairita kasi katwiran niya, may problema ka pala bakit hindi mo ako kausapin? Puwede namang pag-usapan kung ano ang dapat gawin, bakit kailangan sa management agad?”

Isa pang inireklamo raw ng aktres ay ang isa sa cast member na hindi pala niya type maka-work o makaekssena pero wala namang sinabing dahilan.

“Ang tagal-tagal na nilang magkakasama saka lang irereklamo na ayaw pala niyang maka-work? Ano ‘yun? Bakit may ganu’ng drama?” sabi naman ng source number 3.

Kaya ang ending hindi na raw gaanong pinapansin ng direktor ang aktres at ang assistant director na lang niya ang kumakausap dito kung ano ang gagawin nito sa daily show nila.

At yung ayaw maka-work daw ay hindi sila pinagsasama sa iisang frame.

“Sus, mas magaling naman magsalita ‘yung ayaw makatrabaho ni ____ (aktres), magaling pang mag-host, kaya siguro ayaw niyang makasama,” sabi ulit ni source number 2.

Sa kasalukuyan kapag nasisilip namin ang daily show ng aktres na hindi naman siya ang pinakabida ay parang iilan lang ang exposure niya. Binawasan kaya ito ng direktor na nairita sa kanya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Puwede, kasi nga bwisit si ____ (direktor) kay ____ (aktres). Kaya nga ang running joke daw sa show ay baka ma-office na naman sila dahil sa kadramahan ng girl,” biro ni source number 1.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending