LIST: Ilang klase #WalangPasok ngayong July 29 dahil kay ‘Carina’
SUSPENDIDO pa rin ang mga klase sa ilang lugar dahil sa naging pinsala ng bagyong Carina at Southwest Monsoon o Habagat kamakailan lang.
Kabilang na riyan ang Pasig City na isa sa mga tinamaan ng matinding baha at hanggang ngayon ay ongoing pa rin ang mga paglilinis nila sa lugar.
“The suspension of classes is meant to give way to the ongoing clearing operations and to give students and their families more time to recover from the onslaught of Hanging Habagat, intensified by Typhoon Carina the past days,” sey ng Pasig City Public Information Office sa isang Facebook post.
Baka Bet Mo: 28 patay dahil sa bagyong Carina, Butchoy at habagat –NDRRMC
Narito pa ang ilang areas na kinansela ang mga klase, parehong pampubliko o pribadong paaralan:
La Union
Bacnotan
Balaoan
Luna
Cavite
Naic
Maragondon
Ayon sa latest data ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot sa 28 ang patay dahil sa pananalasa ng bagyong Carina at Butchoy, pati na rin ng Habagat.
Apektado naman diyan ang 3,628,500 individuals o katumbas ng 971,667 pamilya.
Dahil din sa sakuna ay Isinailalim sa “state of calamity” ang buong Metro Manila at Cainta, Rizal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.