Ruru nakatikim ng matinding sampal kay Phillip: Naiyak talaga ‘ko!

Ruru nakatikim ng matinding sampal kay Phillip: Naiyak talaga 'ko!

Ruru Madrid at Phillip Salvador

HANGGANG ngayon ay sariwa pa rin sa isip ng Kapuso Action Hero na si Ruru Madrid ang totoong pagsampal sa kanya ng veteran actor na si Phillip Salvador.

Hinding-hindi makakalimutan ni Ruru ang pananampal sa kanya ni Kuya Ipe noong sumali siya sa GMA reality talent show na “Protégé”. Si Phillip ang naging mentor niya sa naturang programa.

Naichika ni Ruru ang tungkol dito sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Thursday, isang araw bago ang pasabog na finale ng kanyang hit GMA Prime series na “Black Rider” na nagtapos na nga nitong Biyernes.

Baka Bet Mo: Fans ni Kris gigil na gigil kay Mark Leviste matapos mag-post ng litrato kasama sina Phillip Salvador at Robin Padilla: ‘Ang insensitive naman!’

Kuwento ng young action star, sa studio raw mismo ng “Fast Talk” ni Tito Boy nangyari ang pagsampal sa kanya ni Phillip. Ginawa raw ito ng veteran star at movie icon para mailabas ang kanyang emosyon sa kanilang eksena.


“Sinampal dahil nag-o-audition ako. Tapos siguro hindi ko makuha ‘yung eksena, it was the very first time,” pag-alala ng”Black Rider” lead star.

Patuloy pa ni Ruru, “Hindi siguro lumalabas ‘yung emosyon ko. Ang monologue is pinabasa sa akin, about sa tatay na naglalasing.”

Sa eksena, kailang komprontahin ni Ruru si Kuya Ipe, ang gumaganap na ama niya. At dahil wala pa talaga siyang karanasan sa aktingan, hindi raw ma-feel ni Phillip ang kanyang emosyon.

“Sabi niya, ‘Isipin mo, ako ang tatay mo.’ Tumayo siya, lumapit siya sa akin, line (nagbitaw ng dialogue). Pagkasabi ko ng ‘Alam mo ‘Tay,’ Pang! (bigla siyang sinampal ni Phillip).

“Pagsampal niya sa aking ganu’n, siyempre, first time eh, so hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Pero ang ginawa ko, itinuloy ko ‘yung eksena,” sabi pa ni Ruru.

Baka Bet Mo: Lolit hinangaan ang tatag ng loob ni Kris sa pagpapalaki kay Josh at Bimby

“Ang ginawa ko (itinuloy ang eksena), ‘Kita mo sinampal mo ‘ko! Bakit mo ‘ko ginaganito?’ Naiiyak na talaga ako sa eksena,” pagbabahagi pa ni Ruru.

“Sabi niya, ‘Good! ‘Yan ‘yung hinahanap ko sa ‘yo,'” pagbabalik-tanaw pa ng binata sa sinabi sa kanya ni Phillip.

Samantala, tinuruan din daw siya ng beteranong aktor ng breathing exercises para hindi siya madaling mapagod o ma-drain sa mga sction scenes.


“Ang sinasabi kasi ni Tatay Ipe, para magmukhang lagi kang nasa moment o lagi kang nasa eksena, dapat laging nakabuka ‘yung bibig, humihinga ka sa mouth.

“Kahit daw pictorial lang, para ramdam na ramdam mo. Ayaw niya ng nakasarado ang bibig,” aniya pa.

Gumanap si Phillip sa “Black Rider” bilang Mariano, ang nagsilbing guro ni Elias (Ruru) sa pakikipaglaban.

Sabi ni Kuya Ipe kay Ruru, “Ako happy ako talaga. I’m grateful na nagkasama tayo. Being your mentor sa ‘Protégé.’ Isipin mo 14 years old ito noong kinuha ko at sabi ko sa kaniya, ‘Magiging action star ka.’

“Alam kong gagaling ka. Always be humble. Always look back where you came from. Ilapat mo palagi ang mga paa mo sa lupa. Hinding-hinding ka magkakamali sa patutunguhan,” ang sey pa raw ni Phillip kay Ruru nang magkausap sila nang masinsinan.

Read more...