Alden 3 beses nag-join sa male pageant, muling sumabak sa Q&A

Alden 3 beses nag-join sa male pageant, muling sumabak sa Q&A

Alden Richards

TATLONG male pageant pala ang sinalihan ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards bago pa siya makapasok sa mundo ng showbiz.

Yes, yes, yes mga ka-Marites all over the universe! Maituturing ding isang certified kontesero ang Kapuso actor at TV host pagdating sa mundo ng pageantry.

Ibinahagi ni Alden sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Biyernes, July 26, ang bahaging ito ng kanyang kabataan, noong nangangarap pa siyang magkaroon ng pangalan bilang pageant contestant.

Baka Bet Mo: Gretchen handang ilantad ang ebidensya laban kay Bato tungkol sa e-sabong; senador rumesbak

Kuwento ni Alden, tatlong male pageant ang sinalihan niya mahigit isang dekada na ngayon ang nakararaan – yan ay ang Mister and Miss Intramurals sa Paco Catholic School (2008), Ginoong Santa Rosa (2009), at Ginoong Laguna (2010).


Sa Mister Intramurals ng kanilang school ang unang experience ni Alden sa pageant pero aniya, “Wala pong swimwear ‘yun kasi Catholic school po ‘yun. Nanalo po. Gulat, siyempre.

“And then, eventually, when I come back to Laguna po to finish my studies in high school, du’n na po ako sumali sa Ginoong Sta. Rosa 2009 and I won.

“And then after po nu’n, of course the winner of that pageant will represent Sta. Rosa in the nationals which is Ginoong Laguna po, 2010,” pagbabahagi pa ng aktor.

Sa question-and- answer portion naman, inamin ng binata na hindi na niya naaalala ang mga sagot niya pagkatapos ng pageant.

Baka Bet Mo: James Reid nilaglag daw ng tatay, basag sa bashers: Nagpapa-Hollywood effect nga, eh!

“Iba ‘yung pressure at the moment, ‘yung parang in the heat of the moment ka to answer the question. Sometimes, I cannot recall my answers po,” sey ng aktor.

Nagpakitang-gilas si Alden sa mga manonood nang game na game siyang sumabak sa Q&A portion ng “Fast Talk with Boy Abunda” kasabay ng kanyang pagrampa.

Inalala niya ang question na itinanong sa kanya nang mag-join siya sa Ginoong Santa Rosa. Ang tanong, “Do you think that joining pageants such as Ginoong Santa Rosa is a form of exploitation to the youth?”


Muli itong itinanong ni Tito Boy sa kanya at ang sagot ni Alden, “Good evening, ladies and gentlemen. I don’t believe that joining pageants is a form of exploitation.

“Because these kinds of events harness the youth to become themselves and to reach their dreams in all sorts of ways and I do like to think this is a steppingstone for them to achieve their dreams in the future,” sagot ng aktor.

Siyempre, palakpakan at hiyawan ang mga nasa studio ng programa ni Tito and I’m sure pati na rin ang mga fans niyang nanonood sa programa.

Read more...