TODO-TODO ang pasasalamat ng mga host ng “It’s Showtime” sa patuloy na pagsuporta at pagtitiwala sa kanila ng mga bossing ng GMA 7.
In fairness, napakalaking bagay para sa noontime show ng ABS-CBN na napapanood din ang kanilang programa sa GMA at sa GTV na mas lalo pang nagpalakas sa kanilang laban sa ratings game.
Sa naganap na GMA Gala 2024 last Saturday, July 20, agaw-eksena uli ang pagdating at pagrampa ng mga “It’s Showtime” host na talaga namang inabangan din ng mga Kapuso stars.
Present sa naturang event sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ryan Bang, Ogie Alcasid, Darren Espanto, at Cianne Dominguez.
Baka Bet Mo: Ai Ai delas Alas itinanggi ang pagsuporta kay VP Leni: Utang na loob, nananahimik ako
Sa panayam ng GMA kay Vice habang rumarampa ito sa red carpet ng Gala, grabe ang kanyang pasasalamat sa lahat ng blessings na natanggap ng “It’s Showtime” family.
“Everyday, punong-puno kami ng pasasalamat, araw-araw na nakaka-ere kami, kailangan ipagpasalamat ‘yon. Matapos ang mga naranasan naming panahon na walang kasiguruhan kung makaka-ere pa, saan i-eere, sinong eerehan, may manonood pa ba,” bahagi ng pahayag ng Phenomenal Box-Office Star.
Dagdag pa niya, “Araw-araw nakakakuha kami ng sagot sa mga tanong na ‘yon. Kaya everyday, we are so grateful. We thank God, we thank everyone na tinutulungan kami at inaalalayan kami sa muling pagbangon namin kaya maraming, maraming salamat.
Baka Bet Mo: Claudine Barretto nagpakita ng suporta kay Bongbong Marcos, pero bakit nakaladkad sa isyu si Rico Yan?
“Malaking bagay na pinatuloy kami ng GMA,” ang pagtanaw ng utang na loob ni Vice sa Kapuso Network.
Samantala, abot-langit din ang pasasalamat nina Vhong at Jhong sa mga bossing ng GMA sa napakalaking oportunidad na ibinigay sa kanilang programa.
“This is my second time. Sobrang saya kasi from apat kami last year, ngayon mas marami na. Hopefully, next year mas kumpleto na kami,” ang pahayag ni Vhong sa panayam ng GMA Network.
Dagdag pa niya, talaga raw looking forward silang lahat na um-attend ng GMA Gala dahil makakasama nilang muli ang mga kaibigan nilang Kapuso artists.
Sabi naman ni Jhong, “Napaka-warm ng pagtanggap ng mga Kapuso, maraming maraming salamat. Very thankful and very happy kami sa pagtanggap sa amin.”