Jennylyn, Dennis excited nang mag-produce ng serye at pelikula

Jennylyn, Dennis excited nang mag-produce ng serye at pelikula

Dennis Trillo, Jennylyn Mercado ay Dylan

EXCITED at looking forward na ang Kapuso celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa pagsabak nila sa pagiging producer.

Yes, yes, yes mga ka-Marites all over the universe! Tuloy na tuloy na ang pagpo-produce nina Dennis at Jen na posibleng magsimula ngayong taon o sa unang bahagi ng 2025.

Kuwento ni Jennylyn nang makachikahan ng ilang members ng entertainment media sa presscon ng Beautéderm kung saan ni-launch siya bilang latest ambassador, very, very soon ay sisimulan na ang operation ng kanilang Brightburn Productions.

Baka Bet Mo: Jennylyn ibinunyag na ‘first love’ niya si Dennis, never nagka-‘third party’

Bukod daw sa ipinatatayo nilang dream house, tututukan na rin nina Dennis at Jennylyn ang kanilang binuong film production.


Chika ng Kapuso Ultimate Star sa construction ng kanilang pinapangarap na bahay, “Blessing yan. Siyempre yung family house namin, yung tinitirhan namin ngayon ay bahay ko pa, yung wala pa akong asawa.

“Lumalaki na yung pamilya. So, kailangan na namin ng mas malaking shelter sa amin.

“Yung production naman, iyon yung bago naming production, ang Brightburn Productions po. Magpo-produce na rin kami ng pelikula, series, ganyan,” aniya pa.

Katuwang din daw nila sa Brightburn Productions ang kanilang management team na pag-aari ni Becky Aguila, ang Aguila Entertainment.

 Baka Bet Mo: Dennis dedma sa magpaparamdam na ex-dyowa, hindi kayang lokohin si Jennylyn: ‘Sorry ka na lang, kung sino ka man’

Ayaw munang magdetalye ng Kapuso star tungkol sa first project na gagawin ng kanilang Brightburn Productions.

Samantala, nagbigay din ng reaksyon si Jennylyn sa pamba-bash kay Dennis dahil sa viral comment na “may ABS pa ba?” na nabasa ng netizens sa TikTok account ng aktor.


Shookt daw ang aktres nang ikuwento sa kanya na na-hack ang TikTok account ni Dennis, “Nasa pictorial ako nun ng Beautederm. Nagulat ako, sabi ko, ‘Anong nangyari?’

“Yung management ko ang nagsabi sa akin. Sabi ko, ‘Imposibleng mangyari yan. Hindi si Dennis yan. Hindi siya ganu’n.’

“Sa tagal naming magkasama, sa tagal ng pagkakilala ko sa kanya, hindi talaga siya ganu’n. And advice ko nga sa kanya, ‘Hirapan mo nga yung password mo!’

“Tumatawa lang siya. Wala naman siyang ano… sabi niya, ‘Wala, e. Ganu’n talaga. Anong gagawin ko?’

“Na-bother lang ako du’n sa mga sinabi nu’ng hacker. Pero siyempre, bilang hindi naman totoong siya yun, okay lang,” sey pa ni Jen.

Read more...