Trabaho sa gobyerno, klase sa NCR suspendido dahil kay ‘Carina’

Trabaho sa gobyerno, klase sa NCR suspendido dahil kay 'Carina'

Patuloy na nagpapaulan sa ilang bahagi ng bansa ang bagyong Carina, habagat

SUSPENDIDO ang trabaho sa gobyerno at klase sa lahat ng antas sa National Capital Region (NCR) dahil sa bagyong Carina at habagat.

Naglabas ng anunsyo ang Palasyo ng Malakanyang hinggil dito sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, acting on the authority of President Ferdinand Marcos, Jr..

Base sa Memorandum Circular 57 na nilagdaan ni Bersamin, walang pasok sa mga ahensiya ng pamahalaan at sa mga paaralan sa NCR ngayong araw, July 24.

Ayon sa nakasaad sa inilabas na announcement ng pamahalaan, nagdesisyon ang Palasyo na kanselahin na ang trabaho sa gobyerno at mga klase sa NCR dahil sa “ongoing and forecasted rainfall”.

Baka Bet Mo: Vice hindi suspendido sa ‘Showtime’, may ginagawang movie na ipalalabas bago ang MMFF 2023; madlang pipol abangers na sa desisyon ng MTRCB

“In view of the forecasted continuous rainfall brought about by the Southwest Monsoon and Typhoon Carina at 05:00 a.m. today, 24 July 2024, as recommended by the National Disaster Risk Reduction and Management Council,” ayon sa statement.

Karamihan kasi sa mga lansangan sa Metro Manila at mga kalapit probinsya ay hindi pa rin madaanan hanggang ngayon dahil sa pagbaha at sa patuloy na pag-ulan.

Hindi naman kasama sa suspension ang mga tanggapan ng gobyerno na ang pangunahing trabaho ay may kaugnayan sa pagbibigay ng basic services, preparedness/response to disasters and calamities.

Ipinauubaya naman ng Malacañang sa pribadong sektor ang pagpapasya sa pagsuspinde ng trabaho at klase.

Ilang local government units sa maraming probinsya ay nag-anunsyo na rin ng class suspensions ngayong araw dahil sa walang tigil na pag-ulan mula pa kagabi.

Read more...