Imee Marcos pak na pak OOTD sa Sona 2024: Sang'gre yarn!?

Imee Marcos pak na pak ang OOTD sa Sona 2024: Sang’gre yarn!?

Ervin Santiago - July 23, 2024 - 01:35 PM

Imee Marcos pak na pak ang OOTD sa Sona 2024: Sang'gre yarn!?

Imee Marcos

PAK na pak ang OOTD ni Sen. Imee Marcos na inirampa niya sa ikatlong State of the Nation Address (Sona) ng kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos, Jr..

Agaw-eksena ang dark green sleeveless dress ng senadora with matching gold headpiece nang lumakad siya papasok sa Batasang Pambansa Complex kahapon kung saan ginanap ang Sona ni PBBM.

Makikita sa outfit ni Sen. Imee ang bonggang gold accents sa harapan nito pati na rin sa bandang bewang. Nakalugay din ang kanyang mahabang hair with a braided tendril on the side.

Baka Bet Mo: Bianca Gonzalez pinuri ang Sona ni PBBM pero may patutsada pa rin; G Tongi tumalak dahil sa pabonggahan ng OOTD

Ayon sa senadora, na kasamang rumampa sa Sina ang mga anak na sina Borgy at Michael Manotoc, ang kanyang OOTD ay inspired ng “Moro armor”, “Kaya ako naka-armor ngayon, masyadong maraming mapusok.”

Stand out ang dress ni Sen. Imee sa naganap na Sona ni Pangulong Bongbong dahil ibang-iba nga naman ito sa traditional Filipiniana at Barong Tagalog na suot ng mga kapwa senador at kongresista at iba pang mga bisita.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Imee Marcos (@officialimeemarcos)


May mga nagbiro naman na parang isa sa mga Sang-gre ng “Encantadia” ang senadora dahil sa kanyang green OOTD na maihahalintulad sa costume nina Karylle at Gabbi Garcia sa naturang fantasy series ng GMA bilang si Alena.

Meron ding nagkomento na parang isa sa mga karakter sa international series na “Game of Thrones” at “House of the Dragos” ang naging peg ni Sen. Imee sa kanyang damit.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon ng netizens sa bonggang damit ng senadora.

“Manang Imee, a-attend ka ng SONA, hindi bibisita sa kaharian ng Encantadia.”

Baka Bet Mo: Lovi ibinandera ang pagmamahal at paghanga kay Grace Poe sa mismong kaarawan nito: ‘She has always been someone worth emulating’

“I just finished watching #HouseOfTheDragon and then I saw Imee Marcos’ fit.Serious question: did she wear this all along during the State of the Nation’s Address or ultimately changed wardrobe later? Anyhow, it’s giving me Queen Alicent vibes haha Team Green!”

“Is this a Grand Ball event?”

“Wow Sang’gre Elena.”

“Ginawang MET gala ni accla.”

Kasunod nito, nagpalit naman ang senadora ng traditional Filipiniana dress na kular green pa rin ang motif na pinuri rin ng mga netizens.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong nagdaang taon, naging usap-usapan din ang Cordillera tribal attire ni Sen. Imee with matching henna tattoo sa ikalawang Sona ni President Ferdinand Marcos Jr..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending