Ate Girl super retouch sa side mirror ng car: Akala ko manglilimos

Ate Girl super retouch sa side mirror ng sasakyan: Akala ko manglilimos!

Ervin Santiago, Jasmine Caleza (Trainee) - July 23, 2024 - 12:25 AM

Ate Girl super retouch sa side mirror ng sasakyan: Akala ko manglilimos!

NAKAKALOKA ang paandar ng isang girlalu na nakunan ng video habang naglalagay ng mascara sa side mirror ng isang sasakyan.

Wala siyang kamalay-malay na may tao pala sa loob at bini-video na siya while doing her mascara gamit ang kanyang “mirror-mirror on the side of the car.”

Mukhang embodiment nga raw ang batang babae ng katagang “ate and left no crumbs” with her wolf cut with micro bangs hairstyle.

Pahayag ni Engr. Ace Buriel, umaga ng July 10 ay pupunta sana sila sa site since doon ang kaniyang trabaho bilang engineer sa DPWH MM2 DEO.

Pero bago nu’n ay naisipan niya munang magpa-gas sa Sucat, Parañaque, na hindi kalayuan sa kanilang opisina hanggang sa may batang biglang lumapit sa kanyang sasakyan.

Baka Bet Mo: Lauren Young nagpakatotoo sa sarili: 9 years ago I would look in the mirror and be so unsatisfied and unkind to my own self

“Akala ko ay manghihingi ng limos pero bumunot siya ng mascara then doon po siya nag-retouch.

“Siguro tumagal ng 5 minutes or so (na) maski si gasoline boy ay hindi siya iniistorbo. Hindi ko rin siya inistorbo dahil hindi naman siya nanggugulo or what.


“After a while, nu’ng pagbaba niya ng mascara, dahan-dahan na (rin) po akong umalis,” ang kuwento ng engineer sa BANDERA.

Dalawang araw matapos ang pangyayari ay nakita niya ulit ang bata at nakilala niya ito sa pangalang “Jansel.” Nakausap niya ito sandali at nalamang taga-Muntinlupa ang bata pero hindi niya umano alam paano siya napadpad sa Parañaque.

“July 12, Friday, nakita ko na naman po sila sa Santana at pinakita (ko) sa kaniya na pumutok at nag-trending ‘yung video na kasama siya.

Baka Bet Mo: Anak nina Iya at Drew nahawa na rin ng COVID-19, tinawag na ‘dark side’ ang pagsailalim sa quarantine

“Maski ang crew ng (malapit na fast food chain) ay nagulat (nang) pinakita ko sa kanila ang video. Kanina lang daw (ay) pinapanood nila ‘yung video at wala silang kaalam-alam na siya pala ‘yun,” pagbabahagi pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami ang natuwa sa video at humanga sa kind gesture ni Engr. Ace. Sabi ng isang netizen sa comment section “Thanks for letting her be herself and allowing her to feel beautiful without feeling humiliated. Lots of love!”

Para sa inyong trending chika, pictures, at videos, gamitin ang hashtag #IBANDERAMO.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending