NAGLABAS ng saloobin ang content creator at talent manager na si Ogie Diaz sa viral post tungkol sa waiter na pinarusahan daw ng customer dahil tinawag siyang “SIR.”
Viral na ang naturang post kung saan ibinuking ng isang Facebook user na pinatayo umano ng naturang member ng LGBTQIA+ community ang waiter ng halos dalawang oras dahil sa pagtawag sa kanya ng “SIR” sa halip na “Ma’am.”
Binanatan nang bonggang-bongga ng mga netizens ang naturang customer na nagngangalang Jude Bacalso at sinabihan ng masasakit na salita. Wala raw siyang karapatang parusahan ang waiter kahit pa feeling niya ay nagkasala ito sa kanya.
Baka Bet Mo: Alex Gonzaga durog sa netizens matapos pahiran ng cake sa mukha ang kaharap na waiter: ‘Napakabastos!’
Nagsalita na rin ang viral customer at ipinagdiinang hindi niya pinarusahan ang waiter at never daw niya itong sinigawan o tinakut-takot.
“What transpired between me and the staff at a restaurant was a series of errors. Yes, I was addressed as sir. No, I did not scream or shout at the wait staff who did.
“My students call me sir and my nephews and nieces call me uncle, so it is no skin off my nose and it is funny to me that transphobes seem to think I am anguished by it.
“I am used to being misgendered, and if it is an honest mistake, I take that as an opportunity to educate,” paliwanag ng social media personality.
“Did the staff stand there for hours? Yes, we were waiting to resolve it with the owners. Did I demand that he stand there as punishment? No. The supervisor was there when I discussed with the erring staff that perhaps a gender sensitivity seminar would benefit them,” aniya pa.
Baka Bet Mo: Super Tekla kinasahan ng baril sa comedy bar, customer napikon sa joke
Narito naman ang FB post ni Mama Ogs tungkol sa kontrobersiya.
“Pinatayo mo for 2 hours yung waiter kasi nainsulto ka dahil tinawag kang
‘sir.’ Yan ang lumalabas sa mga posts.
“Nainsulto ka kasi, nakaayos-babae ka, pero hindi mo na-achieve na tawagin kang ‘Ma’am.’
“Ganu’n naman pala na babae ang tingin mo sa sarili mo, eh di sana, pinakitaan mo ng pruweba na magpapatunay na babae ka talaga bukod sa pagpapakita ng keps.
“Katulad kunwari ng birth certificate. Ipakita mo na FEMALE ang nakalagay sa gender mo doon para mas maintindihan ka ng waiter kung saan nanggagaling yung ngitngit mo.
“Nagdesisyon kang ibahin ang pagkatao mo, tapos ang gusto mo, mag-adjust lahat ang mga tao sa pagbabago mo ng anyo. Agad-agad? Di ba pwedeng dahan-dahan lang, Ateng?
“Tutal, ikaw naman ang nagdesisyong magbago ang takbo ng pagkatao mo? Entitled ka naman masyado, teh.
“Nag-sorry na nga yung waiter, di pa rin sapat at pinatayo mo pa talaga nang dalawang oras?
“Gusto mong maging proud ang LGBTQIA+ community sa yo, paano? Itsura mo lang ata nagbago, sana, idinamay mo na rin pati pagkatao mo para mabitbit mo kahit saan ka dumayo.
“Gusto mo pairalin ang gender sensitivity ng mga tao sa LGBTQIA+ community, pero hindi ka naman sensitive sa nararamdaman ng ibang tao.
“Pag ang tao, nag-sorry na, patawarin mo na. Wag mo nang bini-big deal ang isang sitwasyon na ikaw mismo, kaya mong solusyunan, ayaw mo lang.
“Wag ka nang maging initials ng asawa ni Regine Velasquez,” ang kabuuang pahayag ni Mama Ogs. At siguradong nahulaan n’yo rin na ang tinutukoy niyang asawa ni Regine ay si Ogie Alcasid na ang initials ay OA!