Nadine nagtayo ng restaurant sa Siargao, Andi ibinandera ang suporta

Nadine nagtayo ng restaurant sa Siargao, Andi ibinandera ang suporta

PHOTO: Instagram/@nadine

PROUD na ibinahagi ng aktres na si Nadine Lustre ang latest milestone niya sa buhay.

Ito ‘yung bagong business venture niya na sariling restaurant sa isla ng Siargao!

Ang masayang balita ay ibinandera mismo ni Nadine sa kanyang Instagram post kung saan makikita ang ilang pasilip sa kanyang negosyo, pati na rin ang picture nila ng kanyang non-showbiz boyfriend at business partner na si Christophe Bariou.

Aminado ang aktres na hindi siya makapaniwala sa kanyang achievement.

“Never in our wildest dreams did @cbariou and I imagine running a restaurant,” caption niya sa IG.

Baka Bet Mo: Nadine focus muna sa business, pero may TV comeback ba ngayong 2024?

Kwento niya, “Our first meal at @verde.puertoprincesa in 2022 changed everything. We were so hooked that we just had to open @verde.siargao to share these incredible plant-based dishes with everyone.”

“They’re so good, we literally eat here every day! [craving emoji],” ani pa ni Nadine.

Sa comment section, agaw-pansin ang pagpapahayag ng suporta ng celebrity mom na si Andi Eigenmann na mayroon ding negosyo sa nasabing probinsya.

 “Wowowow looks so good! And new! cant wait to try!” wika ni Andi.

Nag-reply naman sa kanya ang French boyfriend ni Nadine at sinabing: “@andieigengirl let me know! I’m there most days [island, happy face emoji].” 

Kung maaalala, October last year lamang nang marami ang humanga at napa-sana all kina Nadine at Christophe nang opisyal nilang ni-launch ang kanilang wine business –ang “Maison Bukana Wines.” 

Ayon pa nga kay Nadine isa itong dream come true, “It feels surreal seeing our passion project come to life.”

Taong 2022 nang isinapubliko ni Nadine ang tunay na relasyon nila ni Christophe sa pamamagitan ng social media post kung saan makikita na nagdiwang sila ng Bagong Taon together.

 Samantala, si Andi at ang partner niyang champion surfer na si Philmar Alipayo ay may negosyong surfing school at snack bar sa Siargao.

Taong 2018 nagsimulang manirahan sa isla ang dalawa, kasama ang mga anak nila na sina Lilo at Koa, pati na rin ang anak ni Andi kay Jake Ejercito na si Ellie.

Noong 2020 naman nang ma-engage sina Andi at Philmar.

Read more...