Aga awang-awa kay Andres sa taping: Nagkamali, nanginig

Aga awang-awa kay Andres sa taping: nagkamali, nanginig

Ervin Santiago - July 18, 2024 - 07:59 AM

Aga awang-awa kay Andres sa taping: nagkamali, nanginig yung kamay

Andres Muhlach at Aga Muhlach

AWANG-AWA si Aga Muhlach sa anak niyang si Andres nu’ng mga unang araw ng taping nila para sa kanilang sitcom na “Da Pers Family”.

Ito ang unang pagkakataon na makakatrabaho ng award-winning actor ang buo niyang pamilya – ang wifey niyang si Charlene Gonzalez at ang kambal nilang anak na sina Andres at Atasha.

Baka Bet Mo: Pokwang awang-awa kay Miss Myanmar: Bukas ang aking tahanan para sa iyo…

Ayon kay Aga, never niyang in-expect na darating ang pagkakataon na magsasama-sama sila sa isang acting project kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya sa TV5 at sa Viva Films.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa naganap na grand mediacon ng ”De Pers Family” sitcom last July 15, naikuwento ni Aga ang mga unang eksena nila ni Andres.

“Meron isang beses nawala siya sa isang eksena, sasabihin ko na, para mawala yung nerbiyos mo.

“Kasi kapag may eksena kami ni Andres hindi talaga ako natingin sa kanya, kasi kapag umarte ako nang diretso sa kanya iniisip ko, ‘sana mabitawan niya na yung linya.’

“Kaya naman niya kaso Tagalog nga, so ito na, sasabihin niya na yung line tapos tumigil siya, nag-pause tapos tumuloy,” sabi ni Aga.

Talaga raw nakaramdam ng pagkaawa ang premyadong aktor after ng kanilang take dahil kitang-kita niyang apektado si Andres sa ilang sablay niya sa akting.

Baka Bet Mo: Pia Wurtzbach sinigurong walang dapat pagselosan ang dyowa sa tambalan nila ni Piolo Pascual

“Talagang naawa ako, kasi nakita ko nagkamali siya nanginig yung kamay niya. Di ba (tumingin kay Andres)? Naalala mo yung scene na yun?

“Kasi naiilang yata siya kapag the whole cast was in the scene. Parang ako nu’ng bata ako nako-conscious ako kapag kasama yung mga seniors.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA Films (@viva_films)


“Kaya sabi ko sa kanya pag-uwi namin alisin mo na yang nerbyos na yan kasi magaling ka naman,” sabi ni Aga.

Komento ni Charlene, “In fairness mahirap talaga siya kasi imagine first time ka aarte, tapos kasama mo yung great actors and actresses kaya nakakakaba talaga siya, but Andres did well on this show.”

Tanong pa kina Andres at Atasha, how is it is working with their family. Unang sumagot si Andres, “I’m very happy and very excited.

“We’ve been working together as a family sa mga endorsement. It’s easier to work with them. Magaan sa loob,” sey pa ni Andres. Na sinundan ni Atasha ng, “This is a great opportunity, a sitcom with my parents.”

Dagdag ni Andres, hindi niya rin in-expect na makakasama niya sa isang acting project ang kanyang pamilya lalo’t nagsisimula pa lang siya sa showbiz, “Never kong in-expect ito. One day, the offer came and it sounds exciting and fun.”

Kasama rin sa sitcom sina Bayani Agbayani, Ces Quesada, Heart Ryan, Chad Kinis, Kedebon Colim, Sam Coloson at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito’y mula sa direksyon ni Danni Caparas, at mapapanood na tuwing Sunday simula sa July 21, 7:15 p.m. sa TV5, with catch-up airings on Sari-Sari Channel, Mondays at 7 p.m..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending