Pokwang awang-awa kay Miss Myanmar: Bukas ang aking tahanan para sa iyo... | Bandera

Pokwang awang-awa kay Miss Myanmar: Bukas ang aking tahanan para sa iyo…

Reggee Bonoan - May 19, 2021 - 04:55 PM

MARAMING naawa kay Miss Myanmar Thuzar Wint Lwin matapos umaming hindi na siya makababalik sa kanilang bansa pagkatapos ng 69th edition ng Miss Universe.

Ito’y dahil nga sa kaguluhang nangyayari roon lalo’t nakunan siya sa social media na kasama ng mga nagpoprotesta para ipaglaban ang kanilang bansa.

Inamin din ni Miss Myanmar na nag-disguise siya nang dumaan sa kanilang immigration. Hindi raw siya nakilala dahil nakasuot siya ng hoodie at sunglasses.

Nabanggit din sa isang ulat na nauna na niyang naipadala sa Amerila ang mga suitcase niya na naglalaman ng mga gown at iba pang damit na gagamitin niya sa Miss Universe 2020 pageant.

Kaya naman sa National Costume competition ay may dala pa siyang placard na may nakasulat na, “Pray for Myanmar”. Sa grand coronation night ng pageant, siya ang nagwagi ng National Costume award.

Kabilang naman ang komedyanang si Pokwang sa naawa kay Miss Myanmar kaya iniimbitahan niya ito sa kanyang bahay.

Tweet ni Pokwang, “Bukas ang aking tahanan para sa iyo Miss Myanmar (praying emoji) halika muna sa aking bahay papakainin kita ng roasted chicken at laing ni Mamang.”

Samantala, may nakausap kaming ilang kababayang Pinoy sa Amerika na awang-awa rin kay Miss Myanmar. Anila, sana nga’y maayos na ang problema sa bansa nila para makauwi na siya dahil saan nga naman siya pupunta unless may mga kaanak siyang nakatira sa Amerika.

“Baka bigyan ng asylum, alalayan ng Miss Universe organization,” sabi ng nakausap naming Pinoy.

Sana nga ganu’n na lang at madali naman siyang makakakuha ng trabaho roon for sure.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending