Ruru, Yassi mabait kay Herlene; cast ng Black Rider inaatake ng sepanx

Ruru, Yassi mabait kay Herlene; cast ng Black Rider inaatake ng sepanx

Herlene Budol, Ruru Madrid at Yassi Pressman

LAST two weeks na ang hit action-drama series ng GMA 7 na “Black Rider” at lahat ng cast members ay aminadong inaatake na ng “sepanx” o separation anxiety.

Isa na nga riyan ang aktres at beauty queen na si Herlene Budol na aminadong mami-miss niya nang bonggang-bongga ang lahat ng katrabaho sa seryeng pinagbibidahan ng Kapuso Action-Drama Hero na si Ruru Madrid.

Baka Bet Mo: ‘Under the table’ scene nina Zoren Legaspi at Lianne Valentin may 14M views na; ‘First Lady’ loyalists inaatake na ng ‘sepanx’

Sa naganap na virtual mediacon para sa finale ng “Black Rider”, abot-langit ang pasasalamat niya sa mga bossing ng GMA dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya para mapasama sa top-rating series.


Super thank you din ang TV host-actress kay Ruru pati sa leading lady nitong si Yassi Pressman na kahit first time niyang nakatrabaho ay naging kumportable pa rin siya sa set.

Ani Herlene, naging mabait sa kanya ang mga ito pati na ang buong cast at production na pamilya na rin ang naging turingan.

Samantala, asahan ang sunud-sunod na twists and turns sa huling dalawang linggo ng “Black Rider” na itinanghal bilang 2024 New York Festivals TV & Film Awards Bronze Medalist.

Baka Bet Mo: Joshua ilang gabing umiiyak dahil sa matinding ‘sepanx’ sa pagtatapos ng ‘Unbreak My Heart’, nagpasalamat sa tulong ni Gabbi

Habang walang kamalay-malay na namumuhay si Vanessa (Yassi) sa kamay ng mga kaaway, gagawin ni Elias (Ruru) ang lahat para mailigtas siya.


Pero hindi ito magiging madali dahil si Calvin (Jon Lucas) ay tuluyan nang nahuhulog sa kumunoy ng bagong pag-ibig. Eeksena pa ang hired Korean assassin na si Adrian (Kim Ji Soo).

Sa laban para sa puso, sino ang mananaig? Ano ang kaya nilang gawin para hindi ma-checkmate?

Yan ang sasagutin sa nalalapit na pamamaalam ng “Black Rider” sa GMA Prime.

Read more...