Ryzza Mae pinuri ang kakaibang charm at beauty

Ryzza Mae pinuri ang kakaibang charm at beauty; Royce inatake ng ‘sepanx’

Ervin Santiago |April 08,2024
facebook
share this

Ryzza Mae pinuri ang kakaibang charm at beauty; Royce inatake ng ‘sepanx’

Ervin Santiago - April 08, 2024 - 09:00 AM

Ryzza Mae pinuri ang kakaibang charm at beauty; Royce inatake ng 'sepanx'

Ryzza Mae Dizon

MARAMING pumupuri ngayon sa “Eat Bulaga” Dabarkads na si Ryzza Mae Dizon dahil sa kanyang blooming at fresh-freshan na awra.

Dalagang-dalaga na nga raw si Aling Maliit at kitang-kita na raw ngayon ang epekto ng glow-up nito lalo na kapag napapanood nila sa “Eat Bulaga” sa TV5.

Pinusuan at ni-like nang bonggang-bongga ng mga netizens ang mga bagong litrato ng “Eat Bulaga” host at sinabing habang nagdadalaga ay lumalabas din ang kanyang natural na charm at ganda.

Baka Bet Mo: Ryzza Mae Dizon wala raw ‘utang na loob’, hindi nagpasalamat kay Lolit Solis

Makikita sa nga IG photos ni Ryzza Mae ang kanyang mga selife na ang background ay ang kabundukan sa isang beach sa San Antonio, Zambales kung saan sila nagbakasyon nitong nagdaang Holy Week.

Ibinandera rin ni Ryzza Mae sa kanyang post na road to 1 million followers na ang kanyang Instagram page kasabay ng panawagan sa mga netizens na i-follow na siya.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments sa pagdadalaga ni Ryzza.

“Wow pretty.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“So beautiful lady!”

“Ang bilis ng panahon… Dalaga pa Ako nung pinapanood ko sya …Ngayon Dalaga na sya ako naman dalang dala sa Buhay Ko.”

“Grabe ang ganda na lalo ni Ryzza Mae. From a very cute and adorable child star, ngayon ay very pretty and fine lady.”

Nagbahagi naman si Ryzza Mae ng appreciation post sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta at pumupuri sa kanya.

“Thank you so much po sa inyong lahat sa support and Love nyo!! God bless you all po,” mensahe ng pinakabatang TV host sa Pilipinas.

* * *

Matutuwa kaya ang viewers ngayong napilayan na ang Crazy 5 sa pagkamatay ni Ren? For sure, malulungkot naman ang fans ni Royce Cabrera dahil sa pagpanaw ng karakter nito sa “Makiling.”

Intense scene ang nasilayan ng viewers matapos lapain ng aso ang karakter ni Royce hanggang sa siya’y mamatay.

Baka Bet Mo: Ice Seguerra may payo kay Ryzza Mae Dizon: Look for that one thing you are really passionate about

Icing on top na lamang ito dahil hinangaan na talaga ang Sparkle actor sa umpisa pa lang ng serye.

Mula sa pagiging bully na kinaiinisan ng lahat hanggang sa pag-reveal niya ng kanyang totoong pagkatao at damdamin kay Oliver (Teejay Marquez), pinalakpakan siya ng viewers maging ng kanyang veteran co-actors.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Royce Cabrera (@royce.cabrera)


Sa interview ng “24 Oras”, ibinahagi ni Royce na nalulungkot siya sa pagtatapos ng kanyang role sa “Makiling.”

“Sepanx ako especially sa production at co-actors ko. Mamimiss ko ‘yung bonding na nabuo namin at ‘yung ganda ng istorya na nabuo namin,” sey ni Royce.

For sure, marami ang makaka-miss kay Ren sa “Makiling”. Pero chill lang dahil siguradong may mas matitindi pang twists and turns sa serye ang dapat abangan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutok lang sa pambansang revenge drama ng Pilipino, ang “Makiling”, 4 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending