True ba, talent fee ng SB19, BINI umaabot na sa P5-M to P8-M?

True ba, talent fee ng SB19, BINI umaabot na sa P5-M to P8-M?

SB19 at BINI

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang talent fee ng dalawa sa pinakasikat na P-pop group sa Pilipinas – ang award-winning na SB19 at BINI.

Grabe ang hiyawan at palakpakan sa dalawang grupo sa katatapos lamang na “Nasa Atin Ang Panalo” concert kung saan nakasama rin nila ang Sunkissed Lola at sina Flow G at Gloc-9.

May nakapagsabi pa sa amin na may mga fans ang SB19 na parang mahihimatay na dahil sa sobrang tuwa nang makita ang kanyang mga idolo, lalo na nang mag-perform na si Stell on stage.

Baka Bet Mo: SB19, BINI fans sumugod sa ‘Nasa Atin Ang Panalo Concert’ ticket release

Grabe rin ang makabasag-eardrum na sigawan ng mga Blooms (fan groups ng BINI) at A’Tin (tawag sa supporters ng SB19). Palakpakan to the max din ang fans nang ibalita ng SB19 na ipalalabas na sa mga sinehan ang “Pagtatag! The Documentary” sa August 28.


Pagkatapos ng bonggang concert, naging chikahan nga ng mga Marites ang tungkol sa talent fee ng dalawang grupo na siguradong mas tataas pa ngayon dahil sa tindi ng kanilang kasikatan.

Ang tanong, true nga bang umaabot na sa P5 million mahigit ang TF ng SB19 habang nagre-range na umano sa P8 million ang talent fee BINI?

Isang talent manager ang nakausap namin na nagsabing pwedeng-pwedeng maningil ng ganu’n kalaki ang TF ng dalawang grupo dahil bukod sa super sikat na sila ay talagang siguradong dudumugin ang kanilang mga concert.

* * *

Certified bisyo ng bayan gabi-gabi ang hit GMA Prime series na “Asawa Ng Asawa Ko.”

Nakakuha lang naman ng mahigit 1 billion views and still counting ang serye sa Facebook, YouTube, at TikTok accounts ng Kapuso Network.

Baka Bet Mo: ‘Cherry on Top’ ng BINI pak na pak, no. 1 trending sa YouTube

Komento ng netizen sa Facebook page ng GMA Drama, “Dasurv! Maganda kasi. Gabi-gabi ko talaga ‘tong pinapanood! I’m very interested sa mga mangyayari kaya wala akong nami-miss na episodes. Ang dami nang naadik dito kahit late night na pinapalabas. Congratulations, GMA!”

At ngayon, papasok na rin sa kuwento ang karakter ni Hannah na gagampanan ni Kapuso actress Kylie Padilla.

For sure, mas lalo pang titindi ang bardagulan at action scenes sa pagdating ng ex-wife ni Leon (Joem Bascon). Magiging kakampi ba siya ni Cristy (Jasmine Curtis-Smith) o tutulungan niya si Shaira (Liezel Lopez) para guluhin ang buhay ng mga bida?

Tutukan ang “Asawa Ng Asawa Ko,” Lunes hanggang Huwebes tuwing 9:35 p.m. sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream, habang 11:25 p.m. naman sa GTV.

Read more...