Kim, Susan kontra fake news; SB19 Pablo, Gary eeksena sa ‘Julie X Stell’

Kim, Susan kontra fake news; SB19 Pablo, Gary eeksena sa 'Julie X Stell'

SB19 Stell, Julie Anne San Jose, Kim Atienza at Susan Enriquez

DAPAT alam mo na maaaring ma-entertain habang natututo ng maraming bagay, special thanks sa news magazine show na “Dapat Alam Mo!” hosted by SuKi – sina Susan Enriquez at Kuya Kim Atienza.

Simula 2021 ay tinatangkilik na ito ng mga manonood, bata man o matanda. Hitting two birds with one stone nga naman kasi ang programa dahil kaya nitong maghatid ng mahahalagang impormasyon habang nagpapangiti at nagpapatawa tuwing hapon.

Baka Bet Mo: SB19 Stell sa viral All By Myself: Grabe! Parang nanalo kami sa contest!

Sey ni Susan, “Bukod sa naghahatid tayo ng mga balita at impormasyon, nae-entertain ka pa dahil naglalagay tayo ng mga portion or segment na nakaka-relate ang ating mga viewers.


“Ang pinakamaganda na segment dito, nagbibigay tayo ng tamang impormasyon doon sa mga kumakalat na fake news at naitatama natin at naibibigay ang tamang balita at kaalaman sa ating mga manonood,” aniya pa.

Share naman ni Kuya Kim, “Ang Dapat Alam Mo habang natututo ka ay naaaliw ka, nalilibang ka. At ito ay very diverse, it’s not just a straight news show or infotainment show, it’s actually a magazine show.

“So bukod sa mga hard news na nakikita natin sa features natin, mayroon pa tayong mga guest. A lot of things are outside the box. Kumbaga, hindi expected at ‘pag napanood mo rito, maaaliw ka at matututo ka – ‘yun ang maganda rito,” sabi ng Trivia Master.

Kaya naman, mga suki, huwag palampasin ang “Dapat Alam Mo!” weekdays, 5:30 p.m. sa GTV.

* * *

Marami na ang excited at talaga namang abangers sa nalalapit na “Julie X Stell: Ang Ating Tinig” concert!

Nagkakaubusan na nga raw ng tickets bago pa man i-announce ang guests artists.

Baka Bet Mo: Puntod ni Susan Roces sa Manila North Cemetery tinapos ng 3 araw; Bongbong Marcos nakiramay sa pamilya ni Grace Poe

Pero ito na nga, ibang level na ang pagsasanib-pwersa nina Julie at Stell, equally bigatin pa ang mga guest nila.

Siguradong wala nang hihilingin pa ang fans at concert enthusiasts dahil sa day 1 (July 27) ng concert, si Pablo ng SB19 ang guest artist na maghahatid ng all-out entertainment.


Siyempre, big time rin ang day 2 (July 28) dahil no less than Mr. Pure Energy Gary Valenciano ang maghahandog ng electrifying performances na siguradong magpapabilib sa mga manonood ng concert.

Palapit na nang palapit ang “Julie X Stell: Ang Ating Tinig” concert na gaganapin sa New Frontier Theater. Few tickets left na lang kaya bumili na sa mga TicketNet outlets nationwide o through ticketnet.com.ph.

Read more...