Albie Casiño magbabalik na sa Pilipinas kasama ang mag-ina

Albie Casiño magbabalik na sa Pilipinas kasama ang mag-ina

Therese Arceo - July 10, 2024 - 09:10 PM

Albie Casiño balak nang iuwi sa Pilipinas ang mag-ina

KASALUKUYANG nasa Boston, Masachusettes ang Kapamilya actor na si Albie Casiño kasama ang kanyang mag-ina na sina Michellina at si Baby Romey.

Ilang linggo na ring nananatili ang aktor sa ibang bansa para makapiling ang mag-ina dahil ilang buwan rin niya itong hindi nakapiling dahil naging abala ito sa kanyang mga proyekto.

Ayon sa kwento ng ina ni Albie na si Rina Casiño ay talagang nag-e-enjoy ngayon ang aktor sa kanyang pag-aalaga sa panganay na anak.

Talaga namang feel na feel nito ang pagiging daddy.

Baka Bet Mo: Albie Casinño  ipinakilala na ang anak sa buong universe: ‘Hello Roman Andrew!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Roman Andrew Dunton Casiño ang full name ni Baby Romey. Ipinanganak siya sa Maine, USA noong April 28,” pagbabahagi ng ina ni Albie sa Abante.

Pagpapatuloy niya, “Michelina Marie Dunton name ng fiancée ni Albie at mommy ni Baby Romey. Sa Boracay sila nagkakilala three years ago. That time, sa Guam pa based si Michelina.”

Inilahad rin ng ina ni Albie na talagang gustong gusto raw ng kanyang anak na masaksihan ang panganganak ng kanyang fiancee ngunit talagang naging abala ito sa taping at pagpo-promote ng “Can’t Buy Me Love” kaya naman hindi ito nakalipad papunta sa Amerika.

Bumawi naman ito at agad na lumipad kung saan naroroon ang kaniyang mag-iina matapos ang lahat ng kanyang commitment sa trabaho.

Samantala, ibinalita naman ng ina ni Albie na magbabalik na sa Pilipinas ang aktor at kasama rin nito sina Baby Romey at Michelina.

Excited na nga raw ang ina ng aktor na makapiling ang munting pamilya ng anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending