Biboy Ramirez inalala ang relasyon kay Alessandra, single pa rin ngayon

Biboy Ramirez inalala ang relasyon kay Alessandra, single pa rin ngayon

Alessandra de Rossi at Biboy Ramirez

SINGLE ngayon ang 90s teen star na si Biboy Ramirez pero nilinaw niya nagkaroon naman siya ng ilang karelasyon nitong mga nagdaang taon.

Sa guesting ng dating Kapuso actor sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nagbahagi ang binata ng ilang detalye sa kanyang personal life.

Isa sa mga naitanong ni Tito Boy kay Biboy ay kung sinadya ba talaga niya na maging single pa rin.

“Hindi naman siya choice. Kagagaling ko lang sa isang relationship, parang a month or two months ago. So okay naman, gusto ko na, pero hindi lang talaga nagwo-workout,” sagot ni Biboy.

Baka Bet Mo: Alessandra de Rossi kay Empoy: Pasensya ka na, hindi kita mahal

Binalikan din ni Biboy sa naturang panayam ang naging relasyon nila noon ng award-winning actress na si Alessandra de Rossi na nakasama niya sa youth-oriented show na “Click.”

“Alam naman ng lahat, hindi naman ito naging secret, naging kami ni Alessandra de Rossi,” pahayag ng binata.

Pag-amin pa niya, “Kami na before pa magkaroon ng Click.”


Nakasama nila sa “Click” noon sina Richard Gutierrez, Angel Locsin, Jake Cuenca, Karen delos Reyes, JC de Vera, Iya Villania at Chynna Ortaleza. Napanood ito noong 1999 na siyang pumalit sa “T.G.I.S.”

Isa pa sa naitanong kay Biboy ay kung nagsisisi ba siya sa naging desisyon na iwan ang mundo ng showbiz ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Baka Bet Mo: Alessandra de Rossi sa netizen na nagsabing ‘pinakapangit’ ang movie niya kasama si JM de Guzman: Patawarin mo ako?

Sey ng aktor, hindi siya naniniwala sa salitang regrets, “Kasi, it’s either you win or you learn. Ang iksi ng buhay natin e, it’s either maging successful ka or natuto ka, walang failure. Para sa’kin, walang failure, walang talo.”

Nakasama rin ni Biboy sa pagbisita sa “Fast Talk with Boy Abunda” ang mga dating kasamahan sa “Click” na sina James Blanco at Maybelyn Dela Cruz.

Read more...