Mercedes Cabral nag-iiyak nang pagalitan ng talent manager | Bandera

Mercedes Cabral nag-iiyak nang pagalitan ng talent manager

Reggee Bonoan - December 07, 2016 - 12:20 AM

MERCEDES CABRAL AT LILY MONTEVERDE

MERCEDES CABRAL AT LILY MONTEVERDE

SUCCESSFUL ang ginanap na Metro Manila Film Festival 2016 Countdown na ginanap sa SM Skydome last weekend at mabuti na lang malakas ang aircon sa venue kaya maski paano’y nakahinga naman kami sa rami ng tao.

Kumpleto ang ilang artista ng walong pelikulang entry sa MMFF na mapapanood sa Dec. 25 tulad ng “Die Beautiful” ni Paolo Ballesteros na pinilit makahabol sa tindi ng trapik mula ng Pampanga.

Present naman ang Superstar na si Ms. Nora Aunor para sa pelikulang “Kabisera”, nakita rin namin si Rhian Ramos para sa “Saving Sally.”

Wala kaming kilala sa “Sunday Beauty Queen” kaya hindi namin alam sinu-sino ‘yung nag-imbita sa entablado. Absent naman si Joshua Garcia dahil may shooting daw kaya sina Julia Barretto at Ronnie Alonte na lang ang dumalo para sa “Vince & Kath & James.”

Present din sa event si Eugene Domingo na siyang bida sa “Ang Babae sa Septic Tank 2: Forever Is Not Enough”.

Wala rin sina Mercedes Cabral at Joem Bascon para sa “Oro” dahil may shooting pa sabi mismo ng manager ng aktres na si Shandy Bacolod, kaya si Biboy Ramirez lang ang nakita namin doon.

Sa pelikulang “Seklusyon”, nandoon sina Ronnie Alonte, Lou Veloso, Irma Adlawan at iba pa.
Bukod sa ginanap na countdown ay magkakaroon pa ulit ng dalawa pang mall shows ang walong pelikula sa SM San Lazaro (Dec. 10) at SM Bicutan (Dec. 17) activity center sa ganap na 4 p.m..

Samantala, sa Plaza Miranda na magtatapos ang parada base na rin sa suhestiyon ni Manila Mayor Joseph Estrada kumpara sa mga nakaraang taon na sa Luneta Park nagsisimula’t at magtatapos. Ang dating Dec. 27 MMFF awards night ay magiging Dec. 29 na at gaganapin sa KIA Theater.

q q q

At dahil wala si Mercedes Cabral sa MMFF 2016 countdown kaya ang manager niyang si Shandy Bacolod ang kinausap namin. Biro nga namin, baka umiwas lang talaga si Mercedes para hindi siya mainterbyu ng entertainment press.

“Hindi naman nagkataon lang talaga na may new film under AC Rocha na it’s about AIDS at out of town pa. Actually, sila ni Joem Bascon ang wala sa mall show ngayon. Si Joem meron namang ginagawa under director Brillante Menzoda.

“Hindi naman siya umiwas kasi sumasagot din naman kami sa mga tawag, nagkataon lang na busy siya ngayon and we’re doing a presscon naman for ‘Oro’ starting next week, lahat ng events ng MMFF ay darating naman siya (Mercedes).

“And as a manager din naman also I already told her na she should start answering din also at para malabas din naman ‘yung side niya,” paliwanag ni Shandy.

Sinabi namin na dahil sobrang nega ngayon si Mercedes ay hindi kaya makaapekto sa box-office ang entry nilang “Oro”, “Ah, I believe hindi naman may mga nagsasabi nga na baka raw gimik namin para mag-ingay. Of course, we won’t do that kasi as a producer also of ‘Oro’, masyadong maselan ‘yung pelikula, kasi di ba, this is based on true events, kaso siya for massacre.

“Hindi ko papayagan na gumawa ng gimik para lang pag-usapan lalo na ‘yung pamilya ng mga namatayan ay buhay sila at nakikipaglaban pa sa hustisya. Hindi talaga gimik lang,” katwiran ng manager ng aktres.

Inalam namin kung nagkausap ba sina Mercedes at Shandy pagkatapos i-post ng aktres ang matatalim na salitang ginamit nito at ang Regal Matriarch ang nasampolan na tinawag pang “fu***king idiot.”

“Sa totoo lang, pinagalitan ko siya to the highest level, talagang iniyakan niya at sobrang galit ko talaga, grabe as a manager and as a friend. May assistant kasi na nag screencap about it, so the original message, wala ‘yung word, ‘yung cause-word na ‘yu. It was just basically, ang emote niya lang, just referring na emote rin ng lahat ng tao na ang Pasko ay para sa lahat, siguro na re-edit nalagyan nu’ng words na ‘fuc***ng idiot. Alam ko naman na ‘yun ang pinakamalaking isyu.

“But knowing Mercedes, never siyang na-involve sa kahit anong isyu eversince and nakita natin kung paano niya na-survive ang industriya from being an indie actress, ‘yung hirap hanggang sa international actress siya at wala siyang katrabaho na hindi siya minahal. Kasi never siyang nali-late, barkada lahat hanggang utility, so hindi niya character, at takot siya sa seniors.

“At pag nakita naman ‘yung post, she (Mercedes) never mentioned Mother’s name (Lily Monteverde) and never the word na, ‘she’s a fuc***ing idiot. Basically, it’s the concept and ayokong sabihing porke’t manager ako kaya ko ipinagtatanggol but, I believe out of context lang naman at misunderstood and ako masasabi ko na may valid reason naman lahat ng mga gustong sabihin and I agree sa sinabi ng lahat na ‘yung words ay mali ang pagkakagamit, masama ‘yun.

“Pero ipagtatanggol ko na it was never meant na bastusin si Mother Lily, senior namin siya and kung totoong may reklamo ang mga tao sa kanya o sinuman sa mga alaga ko, at the end of the day, mas marami pa siyang ginawa para sa industriyang ito,” mahabang paliwanag ni Shandy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tatlong beses na palang nakagawa ng pelikula si Mercedes sa Regal Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending