Myrna Esguerra, Jasmin Bungay ‘nag-reyna’ sa Bb. Pilipinas 2024
TINANGHAL na sa Binibining Pilipinas ang mga bagong reyna na ilalaban sa mga darating na international pageants!
Si Myrna Esguerra na pambato ng Abra ang itinanghal na Binibining Pilipinas International 2024 sa katatapos lang na grand coronation night na ginanap sa Smart Araneta Coliseum sa Araneta City, Quezon City ngayong gabi, July 7.
Siya ang magiging pambato ng ating bansa next year sa 63rd Miss International pageant.
Mismong si 2023 Binibining Pilipinas International Angelica Lopez at reigning Miss International 2023 Andrea Rubio ang nagputong ng korona kay Myrna na talagang nabigla at naiyak nang tawagin ang kanyang pangalan.
Kanina lamang, si Myrna ang naging “hakot queen” kasama si Christal Jean dela Cruz ng Zambales matapos makatanggap ng maraming special awards.
Baka Bet Mo: Top 15 sa Bb. Pilipinas 2024 napili na, sasabak sa next round
Ilan lamang sa mga nakuha ng Abra beauty queen ay ang Best in Swimsuit, Best in Evening Gown, Best in National Costume, at marami pang iba.
Bukod sa kanya, nagwagi rin si Jasmin Bungay ng Pampanga na nakuha ang titulo at korona bilang bagong Binibining Pilipinas Globe 2024.
Sinundan niya si 2023 Bb. Pilipinas Globe Anna Valencia Lakrini na naiuwi ang second runner-up sa The Miss Globe pageant na ginanap sa Albania last year.
Samantala, ang napiling Binibining Pilipinas 2024 1st runner-up ay si Christal Jean dela Cruz mula Zambales, habang ang Binibining Pilipinas 2024 2nd runner-up ay si Trisha Martinez ng Pila, Laguna.
Bukod sa bagong disenyo ng korona, makakatanggap ng tig-1 million pesos ang winners ng Binibining Pilipinas International 2024 at Binibining Pilipinas Globe 2024.
Ang mga itinanghal na runners-up naman ay makakapag-uwi ng tig 400,000 pesos na cash prize.
At siyempre, hindi mawawala ang P1-million donation ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) para sa World Vision Philippines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.