Top 15 sa Bb. Pilipinas 2024 napili na, sasabak sa next round
MULA sa 40 candidates, pinangalanan na ang Top 15 semi-finalists na sasabak sa next round ng Binibining Pilipinas 2024 pageant.
Nagaganap ngayon ang grand coronation night para sa 60th anniversary ng Binibining Pilipinas sa Smart Araneta Coliseum, Araneta City, Quezon City.
Hosted by 2018 Miss Universe Catriona Gray, 2016 Miss Grand International first runner-up Nicole Cordoves, 2014 Bb. Pilipinas Universe Mary Jean Lastimosa, 2016 Miss International Kylie Verzosa and 1993 Miss World princess Ruffa Gutierrez, napili na nga ang Top 11 finalists na magpapagalingan sa susunod na laban.
Baka Bet Mo: Miss International Andrea Rubio eeksena sa Bb. Pilipinas 2024
Narito ang kumpletong listahan ng mga pasok sa Top 15:
Binibini 36 Samantha Acosta – Bulacan Province
Binibini 13 Roella Frias Solis – Calumpit, Bulacan
Binibini 24 Monica Acuno – Kalayaan, Laguna
Binibini 26 Phoebe Godinez – Lapu-lapu City, Cebu
Binibini 32 Carmella Cuaresma – Aurora Province
Binibini 11 Kim de Luna – Caloocan
Binibini 25 Kara Villarosa – Negros Occidental
Binibini 10 Christal Jean dela Cruz – Zambales
Binibini 14 Vienne Feucht – Calamba, Laguna
Binibini 21 Jasmin Bungay – Pampanga
Binibini 40 Myrna Esguerra – Abra
Binibini 22 Tracy Mae Sunio – Bacolod
Binibini 30 Trisha Martinez – Pila, Laguna
Binibini 20 Shannen Manzano – General Santos City
Binibini 1 Marikit Manaois – Baguio
Ang 15 kandidata na maswerteng nakapasok sa next round ay pinili ng mga judges sa pamamagitan ng preliminary competition.
Kasunod nito ang magiging announcement ng mga mananalong Best in Swimsuit, Best in National Costume, Binibining Friendship, Miss Talent, Face of Binibini at Best in Evening Gown.
Pagkatapos nito, sasalang na ang mga finalists sa pinakahihintay at pinaka-exciting part ng pageant, ang question and answer portion kung saan magkakaalaman na kung sino talaga ang tunay na beauty and brains.
Inanunsyo ng Binibining Charities kamakailan na mananalo ng P1 million ang tatanghaling winners para sa dalawang titulo at korona.
Tatanggap naman ang dalawang runners-up ng P400,000 each habang may P1 million naman na ido-donate sa World Vision.
Sino nga kaya ang mananalong Binibining Pilipinas International 2024 at Binibining Pilipinas Globe 2024? Abangan!
Samantala, inaasahang magkakaroon din ng special participation ang reigning Miss International na si Andrea Rubio sa nagaganap na Binibining Pilipinas 2024 finals night.
“She will have a significant role in awarding the 60th Binibining International crown,” ayon sa official Instagram account ng naturang national pageant.
Winelkam si Andrea ng Filipina beauty queens na sina Bb. Pilipinas International 2023 Angelica Lopez, Miss International 2023 3rd Runner Up Nicole Borromeo, at Miss International 2013 Bea Santiago.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.