Melai na-trauma sa pagbubuntis; Jason takot nang madagdagan ang 2 anak

Melai na-trauma sa pagbubuntis; Jason takot nang madagdagan ang 2 anak

Melai Cantiveros, Jason Francisco, Mela at Stela

PAREHONG natatakot ang mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco kapag nagkaroon pa ng kapatid ang dalawang anak na sina Mela at Stela.

Kuwento ni Melai, nagdadalawang-isip na siyang sundan ang bunsong anak na si Stela dahil sa naranasang kumplikasyon habang nagbubuntis noon.

“Kasi parang na-trauma ako du’n sa placenta previa ko with Stela,” pahayag ng TV host-comedienne sa interview sa kanya ni Bianca Gonzalez para sa TFC show na “BRGY.”

Base sa isang health website, ang placenta previa ay, “a problem during pregnancy when the placenta completely or partially covers the opening of the uterus (cervix).”

Baka Bet Mo: Melai, Jason super proud sa pagiging viral stars ng 2 anak, gusto pa bang magka-baby uli?

Kuwento pa ng komedyana, kahit daw ang asawa niyang si Jason ay nagdadalawang-isip din kung susundan pa nila sina Mela at Stela.


“Si Jason naman kung tatanungin mo siya, natakot siya sa responsibilidad kasi itong dalawang anak pa nga lang namin kung magkasakit, mamatay na nga siya sa takot, ano pa ‘yung tatlo? Tatlo yung iisipin niya.

“Tsaka aside sa takot, takot na rin siyang makarinig ng ingay sa bahay,” pahayag pa ng Kapamilya TV host.

Pagpapatuloy ni Melai, “Medyo kontento na kami sa aming dalawang chicken nuggets pero if ibibigay ni Lord, no problem. Papang let’s go!”

Baka Bet Mo: Jason Francisco may nakakalokang birthday wish: Sana magdikit na ngipin ng mama n’yo

Natanong din ang komedyana kung paano raw nakakaya ni Jason ang energy nilang mag-iina lalo na kapag nagsasama-sama na sila sa bahay.


“Meron siyang mancave sa bahay namin. Mag-rest muna siya ng one hour, kailangan talaga niya.

“Nu’ng nasa Korea nga kami nu’ng iniwan ko sa kanya ‘yung mga bata nag-message talaga siya sa akin, straight three days, sabi niya, ‘Ga grabe ‘yung mga anak mo.’ (Sagot ko sa kanya), ‘Ha? Anak mo rin yan!'” ang natatawang sey pa ni Melai.

Dugtong pa niya, “Pero may one time na umuwi naman siya ng Mindoro na-miss niya naman kami. Pero isang oras lang daw.”

Samantala, muling mapapanood si Melai bilang isa sa mga host ng “Pinoy Big Brother Gen 11” kasama sina Robi Domingo, Bianca Gonzalez, Kim Chiu, Enchong Dee at Alexa Ilacad.

Read more...