Kilalanin ang bagong characters sa ‘Despicable Me 4’, showing na

Kilalanin ang bagong characters sa ‘Despicable Me 4’, showing na

Pauline del Rosario - July 04, 2024 - 03:57 PM

Kilalanin ang bagong characters sa ‘Despicable Me 4’, showing na

PHOTO: Courtesy of Universal Pictures International

SEVEN years ago pa ang huling pelikula ng “Despicable Me,” curious ba kayo kung ano-ano ang aabangan sa latest installment nito?

Isa na riyan si “Gru Junior,” ang anak ng world’s favorite super villain-turned-Anti-Villain League-agent na si Gru.

Bukod sa kanya, marami pang bumanderang nakakatuwang bagong character sa pelikula.

Baka Bet Mo: LIST: 5 pelikula na kaabang-abang ngayong Hulyo

Heto iisa-isahin namin sila para sa inyo, mga ka-BANDERA:

Maxime Le Mal, Valentina

Kilalanin ang bagong characters sa ‘Despicable Me 4’, showing na

PHOTO: Courtesy of Universal Pictures International

Si Maxime Le Mal ay ang highschool nemesis ni Gru na naging main kontrabida ng animation film, habang si Valentina ay ang girlfriend ni Maxime na naging sikat sa kanilang eskwelahan noon at tinutulungan ang kanyang boyfriend na itumba ang bida.

Si Maxime ay binosesan ni Will Ferrell at si Valentina ay si Sofia Vergara.

Prescott family

Kilalanin ang bagong characters sa ‘Despicable Me 4’, showing na

PHOTO: Courtesy of Universal Pictures International

Bilang hina-hunting ng dalawang villains ang pamilya ni Gru, nagkaroon muna sila ng undercover at lumipat sila sa Mayflower town kung saan naging kapitbahay ang Prescott family na sina Perry, Patsy at Poppy.

Si Perry ang mayamang head of the family na voiced by Stephen Colbert, ang kanyang misis na si Patsy naman ay binigyang-buhay ni Chloe Fineman.

Ang kanilang anak na si Poppy na voiced by Joey King ang naging close kay Gru bilang pangarap din niyang maging isang supervillain.

Nalaman niya ang tunay na katauhan ni Gru at ito ang kanyang ginamit upang takutin ito at sumunod sa pagnanais niyang magnakaw ng gamit sa alma mater ni Gru, ang Lycee Pas Bon School of Villainy. 

Mega Minions

Kilalanin ang bagong characters sa ‘Despicable Me 4’, showing na

PHOTO: Courtesy of Universal Pictures International

Siyempre, hindi mawawala sa eksena ang cute na cute na Minions!

Ang ilan sa kanila ay nag-transform at nagkaroon ng superpowers upang iligtas ang pamilya ni Gru sakaling magkaroon ng threat sa kanilang buhay.

Sila ang tinatawag na Mega Minions!

Silang lahat ay binuhay sa boses ni Pierre Coffin, ang isa sa creators ng Minions.

“Mega Dave has the power of super strength, Mega Tim can stretch over a mile long, Mega Mel can unleash an unstoppable laser blast capable of slicing through a planet, Mega Gus can take flight and Mega Jerry has assumed the shape and indestructible nature of a boulder, able to chow down on anything in his path,” saad sa synopsis ng Universal Pictures.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Despicable Me 4” ay palabas na ngayon sa mga lokal na sinehan at ang iba pang voice actors diyan ay sina Steve Carrell, Kristen Wiig, Miranda Cosgrove, Dana Gaier, Madison Polan, at Steve Coogan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending