Huling pelikula ng ‘Venom’ ipinasilip na, kaabang-abang sa Oktubre
MATATAPOS na pala ang maaksyong journey ng English actor na si Tom Hardy bilang si “Eddie Brock” at “Venom.”
Ngayong taon na kasi ipapalabas ang final movie ng nasabing trilogy na umiikot sa binansagang most complex fictional characters ng Marvel Universe.
Pinamagatan itong “Venom: The Last Dance” na kaabang-abang sa darating na Oktubre.
Sa trailer, mapapanood na punong-puno ito ng bakbakan at maaksyong mga eksena.
Mukang maraming tataksan na panganib ang fictional character!
Baka Bet Mo: LIST: Mga pelikula na magbibigay-kulay ngayong Hunyo
“Eddie and Venom are on the run,” saad sa synopsis na inilabas ng Columbia Pictures.
Ani pa, “Hunted by both of their worlds and with the net closing in, the duo are forced into a devastating decision that will bring the curtains down on Venom and Eddie’s last dance.”
Bukod kay Tom, tampok din sa “Venom: The Last Dance” sina Chiwetel Ejiofor, Juno Temple, Rhys Ifans, Peggy Lu, Alanna Ubach at Stephen Graham.
Mula ito sa direksyon ni Kelly Marcel na base sa screenplay na kanyang isinulat.
Kung napanood niyo na ang mga unang pelikula ng nasabing franchise, Si “Venom” ay isang alien symbiote na sumanib o humawak sa katawan ni Eddie.
Sa una ay hindi sila magkasundo bilang magkaiba ang kanilang prinsipyo sa buhay, pero bandang huli ay naging isang malakas na duo na sila.
Ang unang pelikula ay ipinalabas noong 2018 na may titulong “Venom” at ang part two ay noong 2021 na may pamagat na “Venom: Let There Be Carnage.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.