Jake ibinandera ang fan na ‘nabuntis’ niya sa panaginip

Jake ibinandera ang fan na ‘nabuntis’ niya sa panaginip: Labas po ako diyan

Pauline del Rosario - July 01, 2024 - 05:58 PM

Jake ibinandera ang fan na ‘nabuntis’ niya sa panaginip: Labas po ako diyan

PHOTO: Facebook/Jake Ejercito

TAWANG-TAWA ang maraming netizens at fans sa latest social media post ng aktor na si Jake Ejercito.

Umagaw-pansin kasi sa aktor ang kwelang post ng fan na ang Facebook name ay Gel Templo Villava.

Ibinandera pa nga ‘yan ni Jake sa pamamagitan ng isang screenshot kung saan mababasa na naloka ang kanyang fan dahil nabuntis niya umano ito sa panaginip.

“Hype na panaginip ‘yan [laughing face emojis],” panimula ng FB user.

Chika pa niya, “Bakit ba laging artista? Kanina naman nabuntis ako ni Jake Ejercito [laughing, shocked emojis]”

Baka Bet Mo: Utol ni Andi na si Gwen Guck binigyan ng despidida ni Jake Ejercito

Makikita naman sa caption ni Jake ang kanyang reply sa fan na ang sabi ay: Labas po ako diyan, Ms. Gel!”

“Tahimik po ang buhay ko [relieved face emoji],” giit pa niya.

Tawang-tawa naman diyan ang maraming netizens at sinakyan pa ang biruan ng dalawa.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Oh my G mag magkakaroon na ng kapatid si Ellie [laughing emoji]”

“Dami kong tawa [laughing emojis]”

“Napakaswerte naman niya sa panaginip [laughing emojis] daming mapapa-sana all!”

“Kailangan mapanagot si Jake Ejercito diyan [laughing face emojis]”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi pala ako nag-iisa hehe sa sobrang pagka fan kay Jake Ejercito e kasama na sa panaginip ko [laughing face, red heart emojis]”

“Sana ako na next na mabuntis ni Jake Ejercito sa panaginip [laughing emojis] chareng!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending