Paulo super wait kay Kim sa taping, laging hinahatid sa bahay?

Paulo super wait kay Kim sa taping, laging hinahatid pauwi sa bahay?

Ervin Santiago - July 01, 2024 - 07:10 AM

Paulo super wait kay Kim sa taping, laging hinahatid pauwi sa bahay?

Paulo Avelino at Kim Chiu

TOTOO nga ba ang chika na palaging naghihintayan sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa taping ng “What’s Wrong with Secretary Kim” para sabay na silang umuwi?

Yan kasi ang kumakalat na balita ngayon kaya naman naniniwala ang kanilang fans na mukhang totoong magdyowa na ang dalawa matapos ma-develop after magsama sa ilang projects.

Baka Bet Mo: Kim, Paulo kontra sa office romance: Hindi talaga maiiwasan, pero…

Mismong ang direktor daw nila sa “What’s Wrong with Secretary Kim?” na si Chad Vidanes ang nagsabi na may bahid na katotohanan ang “hintayan” nina Pau at Kim.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi naman totally naghihintayan pero alam mo ‘yung hiya, ‘yung nahihiya ka sa co-actor mo dahil minsan inuuna ‘yung mga eksena mo, siyempre nahihiya ako kay Kim dahil may eksena pa siya. Kung isang eksena na lang, hintayin ko na lang matapos,” ang paglilinaw ni Paulo sa panayam ng ABS-CBN.

Sinagot din ni Paulo ang chika na hinahatid daw niya lagi si Kim sa bahay nito lalo na kapag late nang natatapos ang kanilang taping.

Sey ni Pau, “Layo ng bahay ni Kim. After ng taping I’m sure pagod na kami pareho, direcho na (pauwi).”

Siguradong marami ring sweet moments sina Kim at Paulo sa Birmingham, United Kingdom kung saan bumida sila sa “Linlang Pasasalamat Show” na ginanap last June 30 sa Woodgate Valley Country Park.

Baka Bet Mo: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa Pinoy version ng hit K-drama ‘What’s Wrong With Secretary Kim?’, aprub ba sa mga fans?

“Looking forward kami, ibang country, ibang lugar na naman siya. Looking forward kami na makilala, mapasaya sila.

“Itong buong June month, nag-iikot kami sa probinsya, sa international. It’s also our way of saying thank you to all of them for supporting our show,” ang pahayag ni Kim sa panayam ng ABS-CBN bago sila umalis ni Pau.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


“Ang dami nating mga kapamilya at kababayan all around the world, so we’re happy that we get to around and perform and bring happiness,” dagdag naman ng aktor.

Kamakailan lamang ay nagtungo rin ang rumored couple sa Dubai kung saan isa sa mga naging bonding nila ay ang pagdya-jogging.

“Jogging is the easiest way to exercise. Masarap sa ibang bansa kasi bagong tanawin yung nakikita mo, mas nakikilala mo rin ‘yung lugar,” ani Paulo.

“Tumatakbo na talaga ako, tapos tumatakbo rin pala siya, ‘yun nga lang mas mabilis siya tumakbo. Nagkataon lang, parehas kami ng hobbies siguro. Tatakbo ka? Tatakbo rin ako, tara!” sey naman ni Kim.

Natanong din si Paulo tungkol sa viral jumpshot nila ni Kim sa Albay kung saan makikita sa background ang Mayon Volcano, “Lagi naman nagpapakita sa akin ang Mayon!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pang-aasar naman ni Kim sa kanyang leading man, “Lagi niyang sinasabi ‘yun, uy minsan lang daw magpakita ‘yan sa mga taong mababait lang daw, sabi niya sa akin lagi ko naman nakikita ng buo ‘yan, eh!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending