Charlie sa proposal ni Carlo: Akala ko nag-yes na 'ko, hindi pa pala!

Charlie sa proposal ni Carlo: Akala ko nag-yes na ‘ko, hindi pa pala!

Ervin Santiago - July 01, 2024 - 07:35 AM

Charlie sa proposal ni Carlo: Akala ko nag-yes na 'ko, hindi pa pala!

Charlie Dizon at Carlo Aquino

MAY nakakalokang kuwento ang award-winning Kapamilya actress na si Charlie Dizon nang mag-propose sa kanya si Carlo Aquino noong April, 2023.

Nangyari ang engagement ng bagong kasal sa Thailand noong birthday niya last year kung saan ginaganap du’n that time ang Songkran Festival. Nag-propose si Carlo sa isang restaurant sa Bangkok.

“Hindi ko in-expect na magpo-propose siya du’n kasi wala pa rin kaming one year nu’n,” sey ni Charlie sa panayam ng Metro.Style.

Baka Bet Mo: Paolo Contis may plano naman daw pakasalan si Yen Santos: ‘Pupunta naman du’n pero marami pa akong dapat ayusin’

Sey naman ni Carlo, “Nagpatulong ako du’n sa best friend ko na Thai. Tapos, ayaw niya pang magsuot ng maayos nu’n. So sabi ko, ‘Mag-dress ka! Kami, naka-polo kami, tsaka fine dining ’yun.'”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Myio Okamoto Photography (@myiookamoto)


Pagpapatuloy ni Charlie, “So kaharap ko ’yung best friend (ni Carlo). Pagtingin ko, nakaluhod na siya. So ’yun pala, magpo-propose siya. So hindi ako makapaniwala!”

Kasunod nga nito ay parang nablangko raw ang utak ni Charlie at hindi siya agad nakapagsalita.

“Akala ko, nag-‘yes’ agad ako. Tapos hindi pa pala. So parang sabi niya, ‘So ano’ng sagot?’ Sabi niya, ‘Kasi lahat ’to alam na ng lahat. Don’t worry!’ So du’n ko sinabi, ‘Oo naman!’ Akala ko nag-‘yes’ talaga ko in my mind. ’Yung parang ganu’n, sa sobrang taranta ko,” natatawang kuwento pa ng aktres.

Chika pa ni Charlie, bago ang proposal, kinausap muna ni Carlo ang kanyang family sa US, sa pamamagitan ng video call.

Baka Bet Mo: Ruru ginawa ang lahat para mahalin uli ni Bianca: ‘Nu’ng nawala siya sa ‘kin, du’n ko nakita yung worth niya’

“’Yun na, nagpaalam na siya na magpo-propose na siya, ganu’n. So before nag-propose, nag-video call siya with my parents at tsaka ’yung mga kapatid ko,” sey pa ni Charlie.

Sabi naman ni Carlo, patungo siya noon sa isang shop para bumili ng engagement ring habang kausap ang pamilya ni Charlie.

“Nakakatawa ’yung video call with her parents at tsaka sisters. So from Commonwealth going to Makati, magkausap kami. Sobrang traffic. Three hours kaming magkausap, tapos ayaw maniwala ng mom niya na magpro-propose na ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Notion in Motion Wedding Films (@notioninmotion)


“Yeah. Kasi nga parang iniisip nila, ‘Are you guys sure, kasi bago pa kayo?’” pag-alala pa ng aktor.

Mahalaga raw kay Charlie ang blessing ng kanyang family bago sila magpakasal ni Carlo, “Kailangan talaga, dumaan sa kanila. And nagulat naman ako na nagpaalam siya.

“So, nu’ng nag-propose siya, sinabi niya talaga na ‘alam na ’to ng lahat—sa US, sa ganiyan!’ Sinabi na niyang ganu’n. So ’yun, du’n na ako, ‘Oo naman!’ E ’di du’n ako nag-‘yes!’”

Nitong nagdaang June 9 ikinasal sina Charlie at Carlo sa isang private resort sa Cavite.

Sabi ng aktor sa kanyang wedding vow for Charlie, “April (tunay na name ni Charlie), mahal ko. Ngayong araw na ito gusto kong magpasalamat sa iyo sa tapang mo kasi pumayag kang maging Mrs. Aquino.

“Nagpapasalamat ako sa nasa itaas dahil hindi Niya ako binigo. Nagdasal ako ng kapayapaan at ‘yun ang ibinigay niya sa pagkatao mo, mahal.

“Kapag may mga araw na hindi na pantay ang pagmamahal nating dalawa, hindi ko pa rin makakalilimutan na mahalin ang pagkatao mo at ingatan ang puso mo.

“Simula sa araw na ito hindi ka na mag-iisa. Palagi ka nang may kasangga. Nandito lang ako palagi sa likod mo o sa harapan mo  at bibigyan ka ng kumpiyansa. Isa kang biyaya sa buhay ko, Mahal. I love you,” mensahe pa niya sa kanyang wifey.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito naman ang bahagi ng message ni Charlie sa kanyang mister, “Alam ko hindi naging madali ‘yung journey natin as a couple but I am proud na nandito na tayo ngayon in front of everyone who loves us genuinely.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending