Ryan Bang pakakasalan si Paola sa Korea at Pinas: Dito main wedding
NARAMDAMAN ni Ryan Bang na si Paola Huyong na ang kanyang “the one” nang tanggapin siya nang bonggang-bongga ng magulang nito at iba pang mga kapamilya.
Kaya naman makalipas ang isang taon nilang relasyon, nagdesisyon na ang “It’s Showtime” host na mag-propose sa mismong birthday ng kapatid ni Paola.
Baka Bet Mo: Ryan Bang panay ang regalo ng concert tickets kay Paola Huyong?
“One year na kami. After six months naging kami, naisip ko na.
View this post on Instagram
“Siyempre sobra ako kinabahan. Grabe tibok ng puso ko! Birthday ng kuya niya. Yung last year kasi June 20, may na-upload kami vlog sa pop-up store niya.
“Ngayon may coffee shop siya, baby niya. First store, I wanted to propose there. Kunware nagba-vlog. Closing spiels ako, siya.
“Tapos habang nag-spiels ako, lumuhod na ako. Pagharap niya may singsing na ‘to,” kuwento ni Ryan sa ulat ng ABS-CBN.
Baka Bet Mo: Ryan Bang may pa-shoutout sa parents ng GF: Para rin akong anak nila!
Ayon sa komedyante, isa sa mga rason kung bakit niyaya niya agad na magpakasal si Paola at kaya niya nasabi na siya na ang “the one” ay dahil sa pagtanggap at pagmamahal sa kanya ng pamilya ng kanyang fiancèe.
“Ang buhay natin up and down. Na-realize ko mga pinagdadaanan namin. May masayang moments, yung travels. Grabe din paano ako tinanggap ng pamilya ko.
View this post on Instagram
“Grabe yung walang judgment. Paano in-accept ako, family ko, culture ko, pagkatao ko. Alam mo na, eh. Ramdam mo siya na panghabangbuhay mo kasama,” ani Ryan.
Grabe ang kabang naramdaman niya habang nagpo-propose kay Paolo pero mas matindi raw ang ginawa niyang pamamanhikan sa mga parents ni Paola.
“Manhikan ako last week sa bahay, kung saan parents. Nagpaalam ako. Iyon pala pinakamahirap. Di naman ako…noong nakausap ko na magulang, doon masarap na pakiramdam.
“Excited na sila. Na-happy din sila sinasabi ko totoo. Sincere at natupad,” pagbabahagi pa ng komedyanteng Koreano pero pusong Pinoy.
At tungkol naman sa kanilang kasal, “Pag-uusapan pa lang namin. Gusto ko dito. Dito talaga buhay ko. Sa Korea kami, small wedding. Sa Pilipinas gusto ko main wedding.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.