Ryan Bang nag-‘propose’ na kay Paola Huyong, kelan ang kasal?

Ryan Bang nag-‘propose’ na kay Paola Huyong, kailan ang kasal?

Pauline del Rosario - June 29, 2024 - 11:13 AM

Ryan Bang nag-‘propose’ na kay Paola Huyong, kailan ang kasal?

PHOTO: Instagram/@paohuyong

MALAPIT nang ikasal ang TV host na si Ryan Bang!

Nag-propose na kasi siya sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Paola Huyong.

Ang nakakakilig na balita ay ibinandera mismo ni Paola sa isang Instagram post kung saan makikita ang ilang special moments na nangyari sa isang intimate gathering.

Kasama sa post ang picture na nakaluhod si Ryan habang hawak-hawak ang isang box na may diamond ring.

Bukod diyan, ipinasilip rin ni Paola ang itsura ng kanyang singsing na may malaking dyamante sa gitna, pati na rin ang matamis na mensahe para sa kanya ng TV host.

Baka Bet Mo: Ryan Bang chinika na ang lovelife, pang-‘forever’ na raw si Paola Huyong

Ang nakasulat: “Thank you for saying ‘yes.’ Can’t wait to spend the rest of my life with you. From your soon to be husband.”

Ang caption naman ni Paola sa IG, “God is good.”

Sa comment section, maraming kapwa-celebrities ang nagpaabot ng “congratulatory” messages.

Kabilang na riyan sina Dominic Roque, Amy Castillo, Jhong Hilario, Karylle, Ogie Alcasid, John Prats, EA Guzman, at marami pang iba.

Magugunitang kamakailan lang, lumipad papuntang South Korea ang dalawa kasama ang pamilya ni Paola upang ma-meet ang parents ni Ryan.

Ito na kaya ang nagsilbing pamamanhikan sa pagitan ng kanilang pamilya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Last year lamang nang kumpirmahin ni Ryan na siya ay in a relationship na with Paola.

Nitong Pebrero, sinabi ng TV host sa isang interview na naniniwala siyang si Paola na ang kanyang “end game” kahit wala pang isang taon ang kanilang relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending