Rafael Rosell matagal nang kasal sa long-time dyowa
INAMIN ng Kapuso actor na si Rafael Rosell na matagal na lingid sa kaalaman ng madlang pipol ay matagal na siyang kasal sa kanyang long-time girlfriend na si Valerie Chia.
Sa kanyang interview sa “Fast Talk With Boy Abunda” noong Huwebes, June 27, proud na inihayag ni Rafael ang kanilang civil ceremony na ginanap sa kanilang tahanan sa New Manila, Quezon City noong April 20, 2020.
“It’s a tough job, it’s a tough job. Pero it’s something we decided noong 2020. We signed the papers just between us noong April 20, 2020,” saad ni Rafael.
Matapos ang pag-amin ay nausisa ang aktor kung balak na ba nilang magkaanak.
Baka Bet Mo: Rafael Rosell nag-collapse sa taping, nanginig ang katawan
“Maybe in two years,” sagot naman ni Rafael.
Sa ngayon raw kasi ay ine-enjoy pa nilang mag-asawa ang pagsasama nang sila pa lang dalawa.
Ibinahagi rin ni Rafael ang dahilan sa likod ng napili nilang petsa nang pagpapakasal.
“It’s a special date, special number for us. Nagkataon lang talaga na nagka-COVID at pandemic nung time na yon, but we decided to still push through [with the wedding].
“All the way up to April, naka-on pa rin yung wedding invitations. Until we decided mid-April to cancel na talaga. Naka-mask na lahat, extreme lockdown. Hindi na namin itinuloy yung ceremony. But the signing of the papers, itinuloy namin,” kwento ni Rafael.
Nagplano naman sila na magkaroon ng wedding ceremony para sa mga mahal nila sa buhay.
“Eventually, na-realize namin na yung ceremony is for everyone. For us, we’re happy the way it is talaga, so I think we owe them pakain,” sabi pa ni Rafael.
Ibinahagi rin ng aktor kung paano niya nalaman na di Valerie na ang kanyang the one at ang babaeng bet niyang makasama habangbuhay.
Sey ni Rafael, “Sinabi ko kasi dati na parang it used to be so easy for me to just bitawan yung ‘I love you’ na three words sa mga partner ko.
“Pero sa relationship ko ngayon, parang ang hirap sabihin yung totoong nararamdaman mo.
“Like, when you feel something so intense, ang hirap palang sabihin sa totoong buhay kasi totoong-totoo, e. So between us, we don’t usually say ‘I love you.’ Parang alam ko na without her saying it. It’s very interesting. Kasi sa amin, nabanggit namin at least once or twice, pero alam mo yung nakakahiya. But we’re very expressive, very malambing.”
Dagdag pa ni Rafael, “Dati, nung na-in love ako, it used to be ‘Yehey, I’m in love. Such a great feeling.’ That’s what we usually feel, di ba? Pero when I realized I was in love with her, it was like, ‘Oh no, guys, I think I’m in love. This is gonna be hassle.’
“Alam ko na isa-sacrifice ko yung kaligayahan ko para sa kanya. Yung mga kagustuhan ko na alam ko na mas ibibigay ko sa kanya. So, mas hassle talaga kasi wala, e, love mo na.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.