Kuya Kim tinawag na 'UBB' si Camille dahil sa swimsuit photo; Rafael Rosell balak nang magpakasal? | Bandera

Kuya Kim tinawag na ‘UBB’ si Camille dahil sa swimsuit photo; Rafael Rosell balak nang magpakasal?

Ervin Santiago |December 28,2021
facebook
share this

Kuya Kim tinawag na ‘UBB’ si Camille dahil sa swimsuit photo; Rafael Rosell balak nang magpakasal?

Ervin Santiago - December 28, 2021 - 03:43 PM

Camille Prats, Kim Atienza at Rafael Rosell

NAPA-WOW ang mga netizens pati na ang ilang celebrities sa pasabog na sexy photo ng Kapuso actress at TV host na si Camille Prats.

Pati nga ang bagong Kapuso at co-host ni Camille sa morning talk show ng GMA na “Mars Pa More” na si Kim Atienza ay napa-comment sa nasabing litrato ng aktres.

Nagbahagi si Camille ng ilang bagong litrato sa IG suot ang kanyang two-piece swimsuit na kuha sa pag-aari nilang resort sa Batangas.

Bukod sa kaseksihan ni Camille, napansin din ng mga fans at  followers ang kanyang bonggang rib tattoo kaya naman umani ito ng sandamakmak na likes and comments.

At isa nga sa mga nagkomento sa post ni Camille ay ang Kapuso TV host na si Kuya Kim na nagsabing, “️️️Merry Christmas UBB. Ultimate Beach Babe @vjyambao1 Ayan Tama na ba?”

Sumagot naman ang mister ni Camille na si VJ Yambao sa hirit ng “Dapat Alam Mo” anchor, “Yan, Kuya Kim!! Merry Christmas to you and your family!”

In fairness, talagang kinarir ni Camille ang pagpapaganda ng katawan na nagsimula nang magkaroon ng pandemya sa buong mundo.

At dahil nga sa kanyang super fit and sexy body, bukod sa pagtawag sa kanya bilang “fitspiration idol” ay binansagan din siya ng mga netizens na “UBB” o “ultimate beach babe”.

Marami rin ang na-inspire na magpapayat at magpaka-healthy and fit nang ibahagi na niya sa social media ang kanyang workout videos at swimsuit selfies.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Camille Prats Yambao (@camilleprats)


* * *

Sa isang episode naman ng “Mars Pa More” kamakailan, natanong ang isa sa mga guest na si Rafael Rosell kung may plano na ba siyang lumagay sa tahimik.

Halos lahat daw kasi ng mga naging leading lady niya sa teleserye at pelikula ay nag-asawa na at may sarili na ring pamilya, kabilang na riyan sina Marian Rivera, Carla Abellana, at ang mga hosts ng “MPM” na sina Iya Villania at Camille Prats.

“Yes of course,” ang mabilis na  sagot ni Rafael kasabay ng pagbanggit sa longtime non-showbiz girlfriend niyang si Valerie Gomez Chia.

Feeling ng aktor, si Valerie na ang “the one” para sa kanya, “Napansin ko she really understands me. And sa world ng Instagram at social media, mahirap makahanap ng totoong tao na makakaintindi sa ‘yo.”

Bilib din daw siya sa pagiging pasensiyosa at maunawain ni Valerie na sinang-ayunan naman ni Iya na matagal nang kakilala ang magdyowa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ito yung napansin ko Raf, wala siyang naging problema rito,” chika ni Iya. Wish naman nina Camille at Kuya Kim na sana’y hanggang ending na nga ang pagmamahalan nina Rafael at Valerie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending