Barbie may bagong na-discover kay David: Mas kalmado na siya, mas relax

Barbie may bagong na-discover kay David: Mas kalmado na siya, mas relax

Barbie Forteza at David Licauco

PAGKATAPOS bumida sa dalawang hit teleserye ng GMA 7, mas nakilala pa ni Barbie Forteza ang kanyang leading man na si David Licauco.

Naging phenomenal ang tambalan nilang BarDa dahil sa “Maria Clara at Ibarra” na sinundan ng “Maging Sino Ka Man” at ngayon nga ay muling bibida sa isa na namang historical drama na “Pulang Araw.”

Baka Bet Mo: Anak ng celebrity couple napili ni Catriona para bumida sa kanyang life story

Sey ni Barbie, nagpapasalamat siya dahil sa patuloy na pagmamahal at pagsuporta ng mga fans sa kanila ni David.


“Ang bago kong na discover kay David dito sa Pulang Araw ay parang mas kalmado na siya ngayon,” ang sabi ng Kapuso Primetime Princess sa panayam ng GMANetwork tungkol sa bago nilang serye, idagdag pa ang first ever movie nilang “That Kind of Love.”

“Mas relax na siya compared to our previous projects na parang medyo may pressure, ngayon may pressure pa rin, may challenge pero nakita ko sa kanya ‘yung confidence na na-gain niya dahil nagsunod-sunod ‘yung projects namin,” aniya pa.

“So parang ‘yung confidence niya when it comes to acting, when it comes to creating a character nandoon.

Baka Bet Mo: Pepe Herrera wish bumida sa life story ni Pepe Smith: Icon talaga siya!

“At saka natutuwa ako sa kanya kasi kahit siya nanonood din siya ng mga movies with reference to his character, nagri-research na siya tungkol sa character niya, tungkol sa istorya, tungkol sa show.

“So ang galing kasi ganu’n na ‘yung growth niya as an actor and I’m just so happy na ako yung kasama niya,” sey pa ni Barbie.


“Si David naman sobrang na-appreciate ko sa kanya na sinasabayan niya kung ano yung ginagawa ko.

“So kapag tahimik ako, tahimik din siya. Kapag nararamdaman niya na nagpe-prepare ako, nagpe-prepare din siya with me, for me,” dugtong pa niya sa naturang interview.

Samantala, showing na sa July 10 ang “That Kind Of Love” sa mga sinehan nationwide habang sa July 29 naman magsisimulang umere ang “Pulang Araw” kasama sina Sanya Lopez, Alden Richards at Dennis Trillo.

Read more...