Anak ng celebrity couple napili ni Catriona para bumida sa kanyang life story Bandera

Anak ng celebrity couple napili ni Catriona para bumida sa kanyang life story

Ervin Santiago |June 16,2021
share this

Anak ng celebrity couple napili ni Catriona para bumida sa kanyang life story

Ervin Santiago June 16,2021 - 03:36 PM

KUNG may isang young female celebrity ngayon sa local showbiz na pwedeng-pwedeng bumida sa life story ni 2018 Miss Universe Catriona Gray, yan ay walang iba kundi ang newcomer na si Jayda Avanzado.

Mismong si Catriona ang nagbanggit sa pangalan ni Jayda sa isang panayam nang matanong kung sino ang posibleng gumanap sa kanyang karakter kung gagawing drama anthology o pelikula ang kanyang buhay.

In fairness, kahit nagsisimula pa lang ngayon sa kanyang showbiz career ang anak ng celebrity couple na sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza ay marami na rin ang nakakakilala sa kanya.

Pahayag ni Catriona sa nasabing interview, “She popped into my head because literally I had an interview with her kanina, si Jayda.

“She just turned 18. She’s your cover girl. And I worked with her for ‘SNL’ (Sunday Noontime Live sa TV5).”

Pahayag pa ng Pinay beauty queen, “She’s so incredibly talented as a vocalist. And she also is such an old soul like me. And she’s also an only child, right? So we have that in common. So yeah, I think Jayda.”

Nang makarating naman sa Kapamilya youngstar ang pahayag ni Catriona, ni-repost agad niya ang maikling video interview ng beauty queen sa kanyang Instagram Story at nilagyan ng pleading face at red heart emojis.

Kung matatandaan naman, bago pa maiuwi ni Catriona ang Miss Universe crown noong 2018, natanong din ang dalaga kung sino ang pwedeng gumanap bilang siya sakaling gawin ang life story para sa “Maalaala Mo Kaya.”

“I wouldn’t really oppose to it. I mean, she’s a very humble girl. I’ve met her twice and she is very, very sweet,” aniya sa panayam ng ABS-CBN.

Ngunit nilinaw din ni Catriona sa nasabing panayam na bukod kay Maymay open din siya sa iba pang possibilities sa pagpapalabas ng life story niya sa TV o pelikula.

“We’ll see. When it comes around, it would be nice to also consider some up and coming actresses. It would be nice to see who would best fit me also, right? I would like to meet the girls also,” pagbabahagi pa ni Catriona.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending